Isang Daga na nakapasok sa loob ng ATM, sinira at nginatngat ang lahat ng pera sa loob nito na halos walang naisalba

Isa sa mga itinuturing na pumepeste sa ating mga tahanan ay ang mga daga na kung tawagin ay “mabait” maging sa mga bukid at sakahan ay sila rin ang sumisira.

Dahil sa mga ngipin na mahahaba at matutulis ay marami ng mga gamit ang nasisira ng mga daga na pagala-gala sa ating bahay. Subalit maaari rin tayong maka-kuha ng malubhang sakit sa ihi ng mga ito.

Kaya naman hindi na nakapag-tataka ang isang pangyayari sa bansang India tungkol sa isang daga o bubwit na pumasok sa loob ng isang Automated Teller Machine o ATM at pinagsisira ang mga pera sa loob nito.

Galit na galit na nagreklamo ang mga mamamayan sa lugar ng India ang isang problema sa ATM kung saan ay ilang araw na daw “out of order” at ayaw na maglabas ng pera.

Kaya naman agad-agad inayos ang naturang ATM ng mga manggagawa. Ngunit laking gulat ng mga ito na sumambulat sa kanilang harapan ang nagkapira-pirasong pera sa loob ng machine.

Ayon naman sa kinauukulan tinatayang 1.3 million indian rupees o mahigit walong daang libong piso ang mga perang nasira.

Habang iniimbestigahan ang dahilan kung bakit nagkapira-piraso ang pera ay may nakita ang mga technician sa loob ng makina na isang daga.

At ito ang kanilang tinuturong salarin sa nangyari sa libo-libong pera sa loob ng ATM.

Labis naman ang panghihinayang ng naturang bangko dahil sa tindi ng pagkasira ay wala ng pag-asa na ito ay maisalba pa.

Wala na rin buhay ang naturang daga nang ito ay matagpuan sa loob ng makina at sinasabi na ilang araw na itong na trap sa loob ng ATM .

Source: Keulisyuna