Mag-asawang Magsasaka, matagumpay na napagtapos ang kanilang 8 na anak sa Kolehiyo

Ang Edukasyon ang pinakamahalagang maipapamana ng mga magulang sa kanilang anak. Dahil kahit sino ay hinding-hindi ito mananakaw sa kanilang anak at ito lamang ang magagawa nila para masigurong magkakaroon ang mga ito ng magandang kinabukasan.

Ngunit hindi magiging madali ang lahat ng ito dahil narin sa hirap ng buhay natin at sa daming mga sagabal sa ating buhay.

Bagamat hirap sa buhay ay nagawa parin ng mga magulang na ito na pagtapusin ang kanilang walong anak sa kolehiyo. Alam naman natin kung gaano at kahirap ang mag-aral sa kolehiyo dahil hindi ito libre halos lahat na lang ay mayroong bayad.

Nariyan ang Matrikula, libro, projects , researchs, fieldtrips, uniporme at marami pang iba. Ang sinasabing walong anak na ito ay nagsitapos bilang Nars, Arkitekto, Nars , Marino, Pulis, Accounting Staff, Civil Engineer, Nautical at Guro.

Ibinahagi sa social media ni Jovy Cataraja-Albite ang kanilang nakakamangha at isang inpirasyon na kwento ng kanilang pamilya.

Hindi sila mayaman kung kaya naman ayon sa kanya ay talagang nagsumikap at nagpursige ang kanilang mga magulang na mapagtapos silang walong magkakaptid kahit pa gaano kahirap ang buhay.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Jovy at ng kanyang mga kapatid sa kanilang magulang dahil sa pagmamalasakit at pagmamahal na ibinigay sa kanilang magkakapatid.

Talaga naman kamangha-mangha ang kanilang istorya, sino nga ba ang mag-aakala na makapagtatapos ng walong anak sa kolehiyo ang mag-asawa na tanging ang trabaho ay pagsasaka at dito lamang sila kumukuha ng pangunahing pangangailangan.

Ito ang masasabing literal na dugo at pawis ang kanilang inilaan para sa kanilang pangarap sa kanilang mga anak.

Ang kwento ng pamilya na ito ay nagsilbing magandang inspirasyon para sa maraming magulang at kabataan na nakakaranas din ng ganitong buhay, na lagi dapat isa isip na hindi hadlang ang kahirapan upang hindi makapagtapos ng pag-aaral.

Maaring marami tayong kinahaharap na problema, andyan ang kahirapan dahil sa kawalan ng pera ngunit kapag lalo natin itong inisip at tayo ay nagpatalo lalo tayong mababaon.

Kaya nga may kasabihan tayo na “Habang may buhay ay may pag-asa” Lahat ay makakaya natin tayo ay magsumikap at wag makalimot tumawag sa itaas at ang lahat ay ating malalampasan dahil “Kapag may Tiyaga, May umagang ang dala ay Biyaya”.

Source: Jovy Cataraja-Albite