Lalaki, ibinahagi kung paano siya naging matagumpay na Døktor ngayon bilang panadero noon

Edukasyon ang pinakamahalagang kayamanan ng lahat sa atin, ito ang bagay na hindi sa atin makukuha o mananåkaw nino man.

Subalit ang iba sa atin ay hindi pinapalad makapag-aral at makakuha ng edukasyon dahil sa labis na kahirapan sa halip raw na sila ay mag-aral mas ibinibuhos na lamang nila ang oras at panahon sa paghahanapbuhay upang mayroon makain sa pang araw-araw.

Dahil ang karamihan sa atin ay mas may kailangan unahin tulad ng kanilang Pamilya lalo na pagdating sa pinansyal kaya naman ito ang nagiging problema nila upang hindi makapag-aral.

Samantala, Ang katulad ng problema na yan ay hindi sinukuan ng isang 37 taong gulang na si Rommel Abellar Amos na ngayon ay isa ng ganap na Doktor.

Bata palamang daw si Dr. Rommel Abellar Amos ay danas na niya ang matinding kahirapan subalit hindi raw ito naging hadlang sa kanya upang tumigil sa kanyang pangarap.

Gustong gusto raw niya talaga makapag tapos ng Kolehiyo, kaya naman sino ang mag-aakala na ang dating panadero ay isa nang ganap na doktor ngayon.

Sa ibinahagi na kwento ni Dr. Rommel taong 2005 raw ay nagtrabaho siya bilang water refiller at hindi lang yan pinasok niya din ang pagiging merchandiser sa isang branch ng SM.

Noong 2007 ay naging marketing assistant naman siya sa SYM Motors. Nang taong 2008 ay naging Sales Clerk siya sa Megamall at taong 2017 nga ay naging Assistant Baker din siya sa RDA Bakery.

Ang lahat ng pinagdaanan raw ni Dr. Rommel ay hindi madali upang maabot ang tagumpay, kaya naman sana raw ay maging inspirasyon para sa mga kabataan ang naranasan niyang hirap noong siya ay nag-aaral at pinagsasabay ang pagtatrabaho.

Ang kailangan lang raw ay sipag, tiyaga at determinasyon. Tiyan raw na lahat ng pangarap at gusto natin ay matutupad.

“Let us just treat poverty as a challenge, not an obstacle. I think that my humble beginnings were very deliberate, and I’m grateful for them because I’m not sure I would see my achievements the same way if they were handed to me. So I EARNED them.” Pahayag ni Dr. Rommel.

Sa kasalukuyan ay isa ng ganap na “Licensed Physician” at “Registered Nurse” si Dr. Rommel.

“Success has a way finding people who are worthy of it. To be successful means to earn it. Do not just dream about it, but also work hard and smart for it. Even if it takes a lot of time, the end goal will be worth the effort you’ve put into achieving it.” Dagdag pa niya