Pinay Beauty Queen na si Sharifa Akeel, proud na ibinahagi ang kanilang tunay na tahanan na ikinahanga ng madla

Ano nga ba ang totoong depenisyon ng tirahan? May mga pamilyang nakatira sa mga malalaking bahay at ang iba naman ay maliit at sakto lang para sa maliit nilang pamilya.

Pero ang importante ay masaya at kumpleto ang pamilya. Hindi ito kailanman magiging hadlang sa pagabot ng mga munting pangarap natin sa buhay.

Si Sharifa Akeel ng Miss Asia Pacific International 2018 ay pinatunayang wala sa laki ng bahay o tirahan ang basehan ng pagiging matagumpay at masayang buhay.

Linggo ng Disyembre 29, 2020 taas noong ibinahagi ng Beaty Queen na si Sharifa Akeel ang kaniyang pinagmulang lugar sa kanyang social media account.

Inilahad niyang hindi niya ikakahiya ng kanilang munting tirahan dahil lahat ng ito ay naging inspirasyon niya upang abutin ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay.

Narito ang kanyang caption sa kanyang post:

“My house today might not be like other’s house but mind you, “A home can be called a house but a house to be called a home is a different story”.

I’m just being true always, I am not ashamed to share to everyone what my house looks like and where I came from. I know someday, I will build not only a house, but a mansion to be called a home.”

Ilang larawan din ang kanyang mga dinagdag ng ibat ibang parte ng kanilang munting tirahan. Maraming naantig sa kaniyang kwento kung kaya’t samu’t saring komento ang kanyang natanggap.

Ang mga netizen ay proud sa Beauty Queen at lalo nila itong hinangaan. Ito ang ilan sa mgakomento na nasabi:

“A House is just about a place where family stays, but no matter if your house is small or big, but the important is the loving the care of each and every one of the family. You should always thank to God. Happy Sunday Queen”

“I love your honesty and for being humble , You are indeed a queen inside and out.

I have witnessed and followed your journey and I believe you will make all your dreams come true because of your humble heart. Keep soaring high ! Wishing to meet you personally .”

Si Sharifa Akeel ay tinanghal na Miss Asia Pacific International 2018 noong Oktubre 4, 2018 na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.

Pang-limampung Pinay siya na nakasungkit na title bilang Miss Asia Pacific International.