Natatandaan nyo pa ba si Rainier Castillo? Ito na ang kanyang masayang buhay ngayon matapos iwan ang showbiz

Natatandaan niyo pa ba ang isa sa mga sikat na aktor noon na si Rainier Castillo? Lumabas ang aktor sa telebisyon sa Kapuso Network kinakiligan ang aktor ng mga tao dahil sa kanyang angking kagwapuhan at lalo na sa kanyang mga ‘Killer Smile’.

Si Rainier din ang naging Pinoy version noon ng isa sa mga member ng F4 na si Dao Ming Xe, dahil sa tila pagkakahawig niya rito. Ang F4 ay ang male member group na kinakiligan ng lahat sa Taiwanese drama na Meteor Garden.

Matagal din namayagpag ang karera at kasikatan ni Rainier sa mundo ng showbiz, Subalit sa paglisan ng aktor ay maraming katanungan ang hindi pa masagot isa na diyan ay kung bakit nga ba bigla na lamang nawala at iniwan ng aktor ang industriya ng showbiz?

Ano na nga kaya ang tunay na estado ng buhay ngayon ng dating sikat na aktor? At ano ang dahilan ng aktor kung bakit niya iniwan ang showbiz?

Samantala, sa tulong ng Youtube Channel na WhatUP Pinoy ibinahagi nila dito sa pamamagitan ng isang video ang tunay na kalagayan ng naging buhay noon ni Rainier Castillo bago pa man ito tunay na mawala sa telebisyon.

Unang nasilayan sa telebisyon at publiko si Rainier Castillo noong siya ay 18 taong gulang ng maging isa siya sa kalahok ng Starstruck Season. Sa naturang kompetisyon si Mark Herras ang nagwagi at naging First prince naman si Rainier Castillo.

Sa una pa lamang na nasilayan ng publiko si Rainier ay agad ng mapapansin sa gwapong binata na ang karisma nito ay nagmumula sa kanyang “killer smile”, dahil sa pagkakaroon niya ng perpektong korte ng bibig, na kung saan ay pag ngumiti siya ay lumalabas rin ang kanyang mapuputing ngipin

At pagkatapos ng Starstruck ay agad bumuhos ang magandang karera ni Rainier at maraming proyekto sa GMA Network ang sa kanya ay nagbukas.

Si Rainier ay napabilang din sa teen oriented show na Joyride at Click. At ang ilan naman sa mga nagawan proyekto ng aktor ay ang mga palabas na Mulawin, Kamandag, Fantastic Man, Majika at Tasya Fantasya.

Subalit dahil sa kanyang kasikatan daw at dami ng proyekto ay tila naramdaman ni Rainier na nawawalan na siya ng oras sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya. Kaya naman napagdesisyunan daw ng aktor na magpahinga muna sa Showbiz.

“May time na dumating na medyo nakakapagod na rin. Yung halos hindi ko na nakakasama yung family ko, lalo na kapag mga okasyon na Pasko.” Ang aktor ay nagpahinga sa showbiz at nag-focus sa kanyang heavy equipment business.

Taong 2016 naman ay nag-anunsyo ang Viva Entertainment sa muling pagbabalik sa showbiz ng aktor na si Rainier Castillo ito ay matapos raw pumirma ang aktor ng kontrata sa ilalim ng Viva.

Ngunit hindi na naging patok sa mga tao ang muling pagbabalik ni Rainier sa showbiz, subalit kahit na ganon ang nangyari ay nagkaroon pa rin ng ilang proyekto at pagganap si Rainier sa telebisyon tulad ng Lola Basyang at Wattpad Presents.

Sa kasalakuyan ay abala na lamang ang dating aktor sa pagma-manage ng negosyo nila ng kaibigang aktor na si Mark Herras, ito ay ang parkour gym at urban training ground na matatagpuan sa Maguinhawa St., Diliman, Quezon City.

Dagdag pa riyan, Ilang taon na rin masayang kasal ang aktor sa kanyang asawang si Diane.