Viral: Isang pusa na nawala ng tatlong araw, pagbalik ay mayroon ng utang

Para sa may mga alagang hayop sa ating tahanan tulad ng aso at pusa, responsibilidad natin bilang mga amo na sila ay pakainin, alagaan at bantayan.

Subalit kung minsan kahit na ano pang pagbabantay natin ay may mga pagkakataon na sila ay nakakatakas sa ating mga tahanan at tayo naman na mga amo ay nag-aalala para sa kanila.

Samantala, Likas naman sa mga hayop ang pagkakaroon ng mataas na instinct na kung tawagin nga ay “Animal Instincts” kaya naman dahil dito ay tiyak na marunong bumalik ang mga alaga natin.

Katulad na lamang ng isang pusa na ito na mula pa sa bansang Thailand, halos hindi na malaman ang gagawin ng kanyang amo dahil tatlong araw na itong nawawala sa kanilang tahanan.

Subalit makalipas lang ang tatlong araw ito ay nagbabalik at may nakasabit at dala itong isang karatula para sa kanyang amo.

Sa pagbabalik ng alagang pusa ay nagulat ang amo nito na may sulat na nakasabit sa leeg nito. Ang naturang sulat ay para daw sa amo ng pusa.

Narito ang nakasaad sa sulat:

“Your cat kept looking at the mackerels at my store so I gave it 3- Aunty may at alley no.2”

Hindi naman malaman ng naturang amo ang kanyang magiging reaksyon nang malaman niya sa sulat na ang kanyang pusa ay nagkaroon pa pala ng utang ng ito ay maglayas sa kanilang bahay.

Natuwa din naman ang amo ng pusa dahil may nagmagandang loob na ale na nagbigay ng isda sa kanyang alagang pusa.

Samantala, Isang tanong naman para sa ating mga Netizen, Kung kayo ang amo ng naturang pusa hahanapin mo pa ba ang Ale na nagbigay ng pagkain sa iyong alaga?