Mga manggagawa, hindi inaasahan makakatuklas ng kayamanan sa bukid habang gumagawa ng vide0 kung saan binigyan gantimpala sila ng P14M

Ang mundo ay siguradong madaming itinatagong lihim na matagal nang naibaon sa lupa.

Tanging mga modernong gamit na mas napapadali ang pag hahanap o hindi kaya man ay matiyagang tao lamang ang maaaring makadiskubre ng mga ito.

Isang araw, isang grupo ng technicians na may kasamang mga videographers ang gumawa ng dokyumentaryo sa bukid para subukin ang kanilang bagong instrumento na makakatikrik sa mga metal na nakabaon sa lupa.

Sa hindi inaasahan , ang dapat na dokyumentasyon lang ay naging mas masaya at exciting dahil ang isa sa kanilang instrumento ay naka detect ng metal.

Kaya nga lang, ang lokasyon ng metal ay nasa puder ng ibang tao. kaya kinailangan muna nila humingi ng permiso sa may- ari ng lupa at talakayin ang mga terms bago pumunta sa mga otoridad at sabihin ang kanilang nakalap.

Nang makarating sila dito ay agad silang nag hukay sa lokasyon ng kayamanan sa pamamagitan ng paglalagay ng temporary perimeter walls at nagsimula na ang kanilang paghuhukay.

Matapos ang tatlong oras ng paghuhukay, natagpuan nila ang isang bato. Unti- unti nilang hinukay ang mga bato at nakita nila ang cavity.

Isang ancient burial ground ang kanilang nakita. Agad itong pinasok ng archaeologist at nagsimulang hanapin ang mga ilang artifacts kagaya ng barya, sisidlan at iba pa.

Ngunit ang ginto na nadetect sa sensor ay biglang nawala kaya ginamit niya ang kaniyang portable metal detector para sa mas malalimang imbestigasyon.

Ang detector ay tumuro sa isang bato at nabuo ang ideya na baka ang ginto ay nababalot sa loob.

Ilang mga gintong barya ang nasa loob ng bato na ito. Ibinigay nila ito sa mga may otoridad at bilang kapalit ay binigyan sila ng financial reward na 250,000 Euros o Php 14,102,769.

Source: Trendszilla