Reaksyon ng isang lalaki matapos mabangga ang kanyang sasakyan, Ikinagulat ng mga NETIZEN

Viral ang videong ito na nangyaring banggaan sa Aurora underpass. Sa Facebook page na Kapuso Puso Mo with Jessica Soho ibinahagi ang naganap na pangyayari matapos sumalpøk ng motor sa likod ng isang kotse.

Bumaba ang driver upang tingnan ang nangyari sa likuran ng sasakyan. Ngunit nasorpresa siya dito nang bigla siyang tanungin kung ayos lamang ba ang motoristang nakabangga ng likuran ng kanyang kotse.

Hindi lang ito, nagawa pa niya itong kamayan at saka sumakay na muli sa pabalik ng kanyang kotse na animo`y walang mangyari.

Sa pagkamangha, maririnig ang nasambit ng kumukuha ng video na “ang bait nung driver.” Kadalasan kasi sa ganitong aksidente, may nagaganap pang sisihan, away at singilan sa nagawang pinsala.

Kaya naman marami ang humanga sa pinakitang ugali ng driver ng kotse sa pananatiling kalmado nito at pagpapakita pa ng malasakit sa nakabangga sa kanya.

Ito ang naging mensahe ng mga netizens na namangha sa driver ng kotse:

“Sana lahat ng driver ganyan para maiwasan ang away. Salute sir”

“Dapat ganito yung tularan hindi init ng ulo ang sagot sa lahat, Pakikisama sa kapwa driver
saludo ko sayo sir”

“Sa mga nagsasabi na may insurance naman. Alam niyo ba na may participation fee ka parin babayaran kapag nagpagawa ka. Mabait lang talaga may-ari”.

“Ganito ang tunay na may pinag-aralan. Hindi katulad ng iba konting sagi lang kala mo nasira na ang sasakyan nila. Dapat kang tularan sir lalo na nga mga driver”.

“Maganda ang pag papalaki ng magulang at tinuruan ng good maners sa school. Godbless you sir sana lahat ganyan ang pinaiiral”.

“Saludo kami sayo sir, Kaming mga rider/driver nag bibigay pugay sayo kapatid”

Umabot na sa mahigit siyam (9) milyon ang views ng video na ito at umani ito ng 100,000 na positibong mga reaksyon.