Isang masipag na Ama na ice cream vendor, binåwiån ng buhay habang naglalako ng kanyang Paninda

Lahat ay kayang gawin ng mga magulang para lamang sa kanilang mga anak, para maging maayos ang kinabukasan nito, kahit buhay pa nila ang kapalit ay isusugal nila para sa kanilang mga anak.

Mahirapan man sila sa kanilang trabaho ay mananatili silang nakangiti at masaya para sa kanilang mga anak, para hindi tayo mag-alala at mangamba dahil maging sa huli ay kapakanan parin ng anak ang iniisip ng ating mga magulang.

Tulad na lang ng isang Lalaki na ito na isang Padre de Pamilya hindi iniinda ang hirap at pagod sa pagtatrabaho para lamang sa kaniyang pamilya kahit ang kapalit na ay ang kanyang kaligtasan.

Kinilala ang Lalaki na si Misyanto 66 taong gulang , Si Misyanto ay natagpuang walang buhay sa kanyang motorsiklo habang nagtitinda ng ice cream sa lugar ng Ledokom Village, East Jawa, Indonesia.

Ayon sa mga awtoridad sa Suara Indonesia, Suwoco nakita umano si Misyanto sa kanyang motorsiklo na nakasubsob ang ulo sa unahan ng motorsiklo nito. Nasa gitna ng daan si Misyanto at motorsiklo nito kaya naman nagdulot ito ng trapiko sa kalsada.

Agad naman nilapitan si Misyanto ng mga kapwa motorista dahil nagdadala na ito ng trapiko sa kalsada. Napansin naman ng lalaking lumapit sa katawan ni Misyanto na ito ay hindi na gumagalaw at hindi na humihinga.

Sa imbestigasyon ng pulisya hindi naman nakitaan ang katawan ni Misyanto ng anumang senyales na ito ay sinaktan, kinumpirma din ng awtoridad na walang nawawala sa mga gamit nito at hindi na rin ipina-autøpsy ng Pamilya ni Misyanto ang katawan nito.

Hindi man nalaman kung ano talaga ang naging sanhi ng pagkasawi ni Misyanto masasabi mo pa rin na kahit sa huling hininga nito ay mas pinili nito mag trabaho para lamang sa kanyang pamilya.

Nakakalungkot isipin na ang isang katulad ni Misyanto na gagawin ang lahat ay kinuha agad ng Maykapal. Sa kabilang dako naman sa pangangalaga ng Poong Maykapal ay maayos na siyang mabubuhay ng walang hanggan.