Isang bata na walang pambili ng pagkain, tanging karton lang ang kinakain para maibsan ang kanyang gutom

Nalungkot at nahabag ang isang netizen nang masaksihan niya ang kalagayan ng isang batang pulubi sa may gilid ng isang convenience store.

Ayon sa netizen na si Ienstien Hortal nagulat raw siya ng lapitan niya ang batang pulubi dahil nakita niya raw ito na kumakain ng karton.

Tinanong daw ni Ienstien ang bata kung bakit kumakain ito ng karton. Agad naman ito sinagot ng bata habang umiiyak, “Eto na po kinakain ko sa isang buong linggo.”

Nakilala ang bata sa pangalang John Mark Sta Ana may alyas na JM, siya ay 16 na taong gulang. Kwento ni JM siya daw ay graduating na sana ng Grade Six pero siya ay napatigil sa pag-aaral matapos ipamigay ng kanyang kuya ang gamit niya sa eskwelahan.

Awang-awa naman si Ienstien kay JM dahil sa sitwasyon nito, ayon kay Ienstien ipopost daw niya ang sitwasyon ni JM para nang sa gayon ay mabasa raw ng mga taong may busilak na puso upang matulungan si JM.

Narito sa baba ang kabuuang post ni Ienstien.

“I share ko lang po experience ko tonight. Around 10:20-11:00 PM . Galing akong Morong nung pauwi na ako Dumaan muna ako sa 7/11 sa Sampaloc Tanay para kumain .

Habang nakain ako Nalungkot ako nung may makita akong isang bata na kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon.

Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na “Bakit yan ang kinakain mo?” sumagot sya “Eto na kinakain ko sa isang buong linggo”

Nagkaroon kami ng marami pang convo.

 

(Matino syang Sumagot kung iyong kakausapin at marunong bumasa)

ME: Ano panagalan mo ?

Jm: John Mark Sta Ana po pero tawagin nyo nlang po akong JM .

Me: ilan taon kna ?

Jm:16 po

Me: nag aaral ka pa ba ?

Jm: di na po. Graduating na nga po sana ako ng grade 6  kaya lang po pinamigay ng kuya ko ung gamit ko .

Me: Gusto mo pa ba mag aral?

Jm: Opo Gustong Gusto ko po sana

Me: dito ka ba natutulog ?

Jm: hindi po. Sa gilid po ng Dimsum 7:30 lang po ako lagi ng gabi napunta dito

At marami pa akong itinanong sa kanya in short ininterview ko sya about sa buhay nya. Pito po silang magkakapatid ang kanila pong magulang ay iniwan sila, nag hiwalay at nagkaroon daw ulit ng bagong pamilya. Nasa Montalban daw ang kanyang ina at ang Ama nya ay manila naman .

May natutunan ako sa kanya at sa Bawat nakukuha kong aral sa kanya Mas ninanais kong sya ay aking matulungan. IPANALANGIN NATIN SI JM AT KANYANG PAMILYA. pwede nyo din syang abutan ng food pag makikita nyo sya. Salamat po. Sorry po pinicturan ko sya.