Simpleng Bahay Kubo sa Davao del Sur, umaabot diumano ang halaga sa P1.7M na ikinagulat ng mga netizens

Madalas natin makikita ang isang bahay kubo sa mga probinsya kung saan simple ang kanilang pamumuhay dito.

Bukod sa hindi kamahalan na materyales dahil gawa sa kawayan masarap pa ito sa pakiramdam dahil tagos ang hangin na nagbibigay ng pag-kaginhawa sa pakiramdam.

Sino rin ba ang mag-aakala na ang isang bahay kubo ay aabot ang halaga sa P1.7 milyon pesos? Isa ka din ba sa nabigla?

Samantala, kakaiba ang isang bahay kubo sa Davao del Sur kung saan masasabi na kakaiba dahil sa halaga nito na umaabot ng milyon.

Ayon sa Choose Philippines na isang artikulo, ang nasabing bahay kubo ay matatagpuan sa Baranggay New Sibonga, Kiblawan, Davao del Sur, kung saan ito ay pagmamay-ari ng mag asawang sina Marcelo at Amelia Alqueza.

Isa din ang mamahaling bahay kubo na ito na naging dahilan kung bakit maraming turista dito na nagpupunta para magpakuha ng litrato at nagtataka na umabot ng milyon halaga ang pagpapagawa dito.

Dagdag pa diyan, ang bahay kubo na ito ay yari sa mga kawayan na mula sa dingding, upuan, cabinet , higaan at iba pang mga gamit dito.

Ang mga pintuan naman ay gawa sa rattan at ang bubong nito ay gawa naman sa Cogon grass.

Ayon pa dito na ang naturang Bahay Kubo na ito ay kayang tumagal ng Limangpung (50) taon. At ang bahay kubo na rin na ito ay gawa ng isang miyembro ng T`boli na naggaling sa Lake Sebu, South Cotabato.

Sinabi rin ng mag-asawa na may-ari ng bahay kubo na ito ay pangarap nila maipundar sa kadahilanang mahangin maaliwas at eco friendly pa dahil sa mga ginamit nitong materyales.