Photographer, matapang na tumal0n sa gitna ng isang Whirlpool para malaman kung ano ang hitsura sa ilalim nito

Marahil maraming mga pangyayari sa ating mundo ang nakamamangha at minsan nga ay mahirap itong paniwalaan at ang iba naman pinagaaralan ito ng husto para lubusang maintindihan o mapaniwalaan.

Kaya naman ang iba ay nagawa ng mga eksperimento para mabigyan ito ng solusyon o mabigyan ng linaw ang isang bagay.

Tulad ng ginawa ng isang Photographer na ito na matapang kuhaan ang isang bagay.

Dahil sa pagka-mausisa niya na malaman kung ano nga ba ang nangyayari sa loob ng isang whirlpool o ‘ipo-ipo’ napagdesisyunan niyang pumunta at lumangoy dito kasama ang kaniyang kamera.

Ang tinatawag na whirlpool ay ang isang mabilis na pagikot ng tubig o ipo-ipo sa ilalim ng tubig dagat na kung tutuusin a hindi naman kalakasan ngunit ito ay delikad0 rin ayon sa mga batikang swimmers.

Kadalasan pa nga tayo ay natatakot sa ganitong pangyayari sa tubig dahil ang akala natin ay pagtayo ay nahigop ay hindi na tayo makaliligtas sa loob nito.

Ang nasabing Photographer na tumalon sa isang whirlpool ay kinilalang si Jacob Cockle na isang British.

Si Jacob ay naging tanyag dahil sa mga kuha niyang video na tampok ang mga underwater activities sa iba`t ibang lugar.

Mas lalong nakilala si Jacob dahil sa kumalat niyang video na pagtalon niya sa delikadong ipo-ipo o whirlpool.

Ayon sa kanya na engganyo niya siya sa dito at naku-curious siya kung ano nga ba ang nangyayari sa loob at ano ang laman nito.

Mapapanood sa kaniyang video na ang whirlpool ay nagiging delikado habang tumatagal dahil unti-unti itong bumibilis at makiktia rin sa kaniyang video ang mismo pag talon niya sa naturang whirlpool.

Ang kamera ni Jacob ay nakapokus lamang sa loob ng whirlpool at kung ano ang nangyayari dito tila parang isang buhawi na nasa ilalim ng dagat.

Mabuti na lamang ay hindi siya natangay ng whirlpool pailalim dahil sa lakas ng pagikot nito.

Marahil ang pagiging kuryusidad natin sa isang bagay ay masasabi nating positibo dahil ito ay nagbibigay lakas o motibasyon sa mga bagay na gusto nating malaman.

Ngunit kung tutuusin ay delikado rin ito dahil hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari kaya naman maaring isipin ng mabuti bago natin gawin ang isang desisyon.

Source: Trendszilla