Selfie ng mag-couple, agaw atensyon sa socmed matapos mapansin ang nakakakilabot na larawan

Dito sa atin sa mundong ibabaw maraming mga pangyayari na talagang nakakamangha na minsan nga ay hindi mo pinaniniwalaan.

Lalo na sa panahon ngayon na napakataas na ng teknolohiya at halos lahat ng tao ay gumagamit na ng internet.

Kung ikaw ay mahilig gumamit ng internet tulad ng social media ay marami kang makikita na mga misteryo o hindi kapani-paniwala na mga larawan na tiyak na ikagugulat mo.

Dahil nga sa panahon natin ngayon na hi-tech na at digital, hindi natin matukoy ang ibang larawan kung totoo ba ito o edit lamang. Tulad na lang sa nangyari sa larawan ng isang magkasintahan.

May isang lalaki na nag upload ng larawan nila ng kanyang kasintahan ngunit tila may kakaiba sa mga larawan na ito.

Makikita sa larawan na ang magkasintahan ay masayang magkayakap at may caption na “i love my girlfriend even if she’s a Gemini”.

Samantala, ang nakakapagtaka sa larawan at hindi kapani-paniwala habang sila ay nakaharap sa kamera parehas, makikita sa kanilang likod ang isang malaking salamin at kita ang mukha ng babae na nakangiti ito sa salamin imbis na ang makita dapat ay ang kanyang likuran.

Ang larawan na ito na ipinost sa Twitter ay agad-agad nag viral at pinag-usapan. Marami agad na twitter user ang nakapansin sa misteryosong larawan marami tuloy ang hindi makapaniwala. Kaya ang tanong ng nakararami sa kanila ay kung totoo ba ito o hindi.

Ngunit sinabi naman ng lalaking nag-upload ng larawan na ito na ang kanyang larawan na ipinost ay edited lamang, Sinabi rin nito na ito ang ibig sabihin niya sa caption niya na Mahal niya ang kanyang Girlfriend kahit magkaroon man ito ng dalawang mukha. Ang pagkakaroon din ng dalawang mukha ang isang katangian ng salitang Gemini.