Chin-Chin Gutierrez, nag-madre na nga ba? Ating sulyapan ang buhay ngayon na tinatahak ni Chin-Chin

Kilala niyo pa ang ang dating aktres na si Chin- Chin Gutierrez? Siya ay kilalang kilala bilang dramatic actress noong kapanahunan niya.

Una siyang nakitaan ng potensyal sap ag ganap niya sa ABC- 5 series, Noli Me Tangere na kung saan gumanap siya bulang Maria Clara.

Hindi lamang iyon, gumanap din siya bilang pinsan ni Aiko Melendez sa Maalaala Mo Kaya o MMK.

Dahil sa angking galing sa pag arte, madami din siyang nakuhang karangalan.Taong 1995 nang makuha niya ang Gawad Urian for Best Supporting Actress.

Nakuha din niya ang Asian Television Award for Best Actress noong 1996 nang gumanap bilang Melinda at 1998 naman ay nasungkit niyang muli ang Best Supporting Actress sa pamamagitan ng Asian Television para sap ag ganap niya sa Desparacido.

Hindi maitatanggi na hindi lang basta maganda kung hindi ay napaka talentado din ni Chin- Chin. Kilala din siya sa kaniyang adbokasiya na patungkol sa kalikasan.

Siya din ay naging cover ng TIME Magazine’s Asian Heroes noong 2003 at muling nakatanggap ng The Outstanding Women in Nation’s Service o ang tinatawag na TOWNS taong 2004.

Bagaman malayo na ang nararating ng aktres, nagdesisyon pa din siyang ihinto ang pag aartista at umalis sa industriyang ginagalawan nito.

Malaking kawalan si Chin- Chin para sa lahat pag katapos nito ay bigla na lang tumahimik at wala nang balita ukol sa kaniya.

Muling umusbong sa mga balita si Chin- Chin taong 2013 nang kumalat ang balita na siya daw ay madre na.

Naging usap usapan ito nang makilala siya bilang Sister Lourdes nang makitaang pumasok sa Carmelite Sisters Covent.

Agad namang umabot ito sa kaniyang dating manager na si Anjie Ueta at itinanggi ito sa social media.

Aniya, hindi daw totoo na nag madre na si Chin- Chin sa katunayan nga raw ay nagseserve lang siya sa convent.

Siya isa nang ecological lay worker. Kaya lamang daw siyang natawag na “sister” sapagkat iyon ang nararapat na itawag sa mga babae sa kumbento.

Hindi rin napatunayan ng mga litrato sa kaniyang Facebook Account na siya ay ganap nang madre.

Sa katunayan, nakita siya sa kumbentong iyon nang maging lecturer at speaker patungkol sa Environmental Education.

Dahil ito nga ay ang kaniyang passion, nais niyang ibahagi sa iba ang kaniyang kaalaman. Naroon ang diskursong patungkol Sustainable Development, Ecological Waste, Integrity of Creation, Ecology and Spirituality, Women and the Environment, Sustainable Consumer Lifestyles at madami pang iba