Isang Batang Lalaki, mag-isang namumuhay at nagtanim ng gulay para may makain araw-araw matapos pumånaw ang mga magulang

Isang kwento ang talagang kumurot sa pusø ng marami, ito ay ang tungkol sa sampung-taong gulang na batang lalaki na mag-isang namumuhay matapos pumånaåw ng kanyang Ama at Lola.

Ayon sa inilabas na balita ng “China Press”, na kilala ang bata na si Dang Van Khuyen na mula sa bansang Vietnam. Siya ay mag-isa na lamang at Tanging pagtatanim ng mga halaman sa bukid ang kanyang ikinabubuhay.

Matagal na daw ulila sa kanyang Ina si Khuyen dahil maliit pa lamang daw ito ay wala na sa kanila ang kanyang Ina. At sa kabilang banda ang kanyang Tatay naman ay nasa malayong lugar upang magtrabaho kung kaya naman bihira niya ito makasama at ang tangi niyang kasama sa kanilang bahay ay ang kanyang Lola.

Simple lang daw ang buhay ni Khuyen at ng kanyang Lola at kung minsan ay nagpapadala naman ang ama niya ng pera upang masuportahan sila dalawang maglola.

At sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang sumakabilang buhay ang kanyang lola dahil na rin sa sobrang katandaan nito at ang masakit pa kay Khuyen ay ilang araw lang ang nakalipas ay nakatanggap siya ng balita na nasåwi ang kanyang ama dahil sa pagkadisgrasya sa trabaho nito.

Dahil sa mga pangyayaring iyon, Naging matatag ang batang si Khuyen at tinibayan ang loob upang kayanin mamuhay ng mag-isa. Hindi niya rin pinabayaan ang kanyang pag-aaral at hindi siya lumiliban sa klase hindi siya nagpatinag sa sakit na kanyang nadarama.

Nang malaman naman ng paaralan at lokal na pamahalaan ang sitwasyon ni Khuyen ay sinubukan nila itong kumbinsihin na dalhin sa bahay ampunan. Ngunit mas pinili ng Batang si Khuyen ang mamuhay ng mag-isa.

Ngayon ay namumuhay mag-isa ang batang si Khuyen sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay at dito rin siya kumukuha ng pagpapaaral sa sarili.

Napag-alaman din na ang guro ni Khuyen ay lumikom ng pera para maiuwi ang katawan ng namayapa niyang Ama at tuluyan inilibang sa maayos na luhar kung saan malapit sa kanilang bahay.

Marami naman sa mga netizen ang naawa at namangha sa katatagan ng bata ang iba ay hindi napigilan mag-paabot ng mensahe at reaksyon.

“Napakalakas ng loob ng batang ito. Sana ay lumaki siyang mabuting tao at im sure one day ay magiging succesful ka in Jesus name, AMEN”.

“Godbless you baby boy, take care and dont forget to pray. God will protect you for your good fortune”.

“Sana ay matupad lahat ng pangarap ng batang Ito at Panginoon tulungan niyo ang batang ito na ilayo sa kapahamakan”.