Isang lugar sa Pilipinas, Hari at Reyna diumano ang namumuno kung saan may sariling pera na ginagamit ang lugar

Maraming bansa ang namumuno ay Hari at Reyna at madalas ay pinagpapasahan ang k0r0na sa kanilang mga magiging anak o apo.

Alam din ng lahat na ang Hari at Reyna ay tinagurian na mga ‘dugøng bughaw’ at ‘Royale family’ dahil isa sila sa mataas na pamilya sa isang lugar o bansa.

Usap-usapan din ngayon na mayroon Hari at Reyna sa isang lugar sa Pilipinas na hindi makapaniwala ang nakararami.

May katotohanan ba na ang isang Lugar sa Pilipinas ay may kinikilalang Hari at Reyna at may sarili silang pera na maaring gamitin sa kanilng lugar?

Iligan City sa Mindanao Ito ang sinasabing lugar na may Hari at Rey na namumuno at may sariling pera na maaring gamitin sa kanilang lugar at ito ay tinatanggap sa mga pamilihan.

Makiktia sa kanilang pera ang sulat ng currency certificate at mukha ng kanilang Reyna na maaring ibili sa pamilihan.

Ipinalabas ito sa isang programa sa GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung saan ang iba ay hindi makapaniwala na mayroon ganito sa Pilipinas.

Tinatawag ito na Kingdom Filipina Hacienda itong lugar nila kung saan mayroon itong malaking kasaysayan. Matatagpuan ang Castle na ito sa Pala-o, Iligan City.

Sa isang Facebook Page ng Kapuso Mo, Jessica Soho(One at Heart, Jessica Soho) ipinakita nila ang ilang larawan ng kastilyo, Hari at Reyna na naninirahan sa nasabing kastilyo makikita din ang kanilang pera at mga pruweba na ito ay tinatanggap sa mga pamilihan.