Lalaki, napaiyak nang malaman ang katotohanan kung bakit ayaw pakasal sa kanya ng kanyang matagal na nobya

Highschool sweethearts kung tawagin ang mag nobyo at magnobyang sina Syrish at Jon.

Elementarya pa lamang ay magkaibigan na ang dalawa at suportado pa sila ng kanilang mga magulang.

Nabuo ang desisyon ni Jon na ligawan si Syrish noong sila ay high school na, doon ay wala namang naging problema sa kanilang mga pamilya at hindi din maitatanggi na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ni Syrish para kay Jon.

Naging magkasintahan ang dalawa at sa kanilang pagtatapos ng high school ay damang dama na ni Jon ang kasiguraduhan sa kaniyang puso at sinabing;

“Sigurado na akong ikaw ang gusto kong makasama sa habang buhay, Syrish” sabay yakap ng mahigpit at matamis na ngiti.

Hindi na mapaghiwalay ang dalawa lalo na noong sila ay kolehiyo na. kahit saan magpunta ay palagi silang magkasama. Hindi maitatangging mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Photo Illustration Purposes Only

Hanggang sa makapagtapos ng kolehiyo ay sila pa din.

Pumasok sa kani- kanilang trabaho at nagsimulang tuparin ang mga pangarap na binuo.

“Oh, kapag nakaipon na tayo, gusto ko magpakasal agad ah tapos gusto ko magka anak na din.

Ayaw ko kasi na malayo yung agwat ng edad natin sa kanila. Mas masarap mag bonding pag ganon” masayang ipinahayag ni Syrish.

“Masusunod po, Boss Syrish!” sabay saludo naman ni Jon.

Hanggang sa isang araw, pakiramdam ni Jon ay tama na ang lahat. Panahon, oras at syempre ang tao.

“Syrish, will you marry me?” sabay luhod ni Jon sa harapan ng nobya habang ang paligid na puno ng tao ay nag hihiyawan para sa kasagutan ni Syrish.

Ilang sandal pa ay hindi pa din sumasagot si Syrish. “Syrish, ang sabi ko po,will- you- marry- me? Sakit na tuhod ko, oh!” pabiro naman ni Jon.

“Sorry, Jon pero hindi pwede” pabulong at nahihiyang sagot ni Syrish sabay takbo papalayo.

Ang mga taong nasa paligid ay nag bulong bulungan na habang ang tropa ni Jon ay nilapitan siya.

“Pare, habulin mob aka nabigla lang ‘yon” payo ng matalik na kaibigang si Rio.

Tumakbo si Jon patungo kay Syrish ngunit hindi niya ito inabutan.

Biglang nawala ang nobya kaya sinigaw nito ang pangalan niya “Syrish!” sabay tulo ng luha habang hawak hawak ang pinag ipunang singsing at paboritong bouquet of flowers ni Syrish.

Luminga linga si Jon at natagpuan si Syrish sa isang sulok ng kalsada, humahagulgol na halos hindi makahinga. Agad naman niyang nilapitan ito.

“Syrish, kung hindi ka pa handa, mag hihintay ako. Sorry kung nabigla kita akala ko kase gusto mon a magpakasal” wika ni Jon habang pinapakalma ang nobya.

“Huwag kang manghingi ng sorry, Jon. Ako ang dapat humingi ng tawad sayo” sabay alis ng kamay ni Jon sa kaniyang balikat.

Lumuhod sa harapan ni Jon at sinabing “Patawarin mo ako Jon, hindi talaga kita pwedeng pakasalan” tuloy na hagulgol ni Syrish.

“B-Bakit Syrish? Ano bang ginawa ko? Ano bang problema?” naguguluhang tanong ni Jon.

“Jon, nabuntis ako ni Rio” lakas loob na sinabi ni Syrish.

Nabigla si Jon at natulala habang walang humpay na tumutulo ang kaniyang luha. Hinatid na lamang niya si Syrish nang walang kahit anong kibo.

Umuwi sa bahay at doon nag mukmok. Walang ibang nagawa kung hindi tanggapin ang lahat.

Hindi niya magawang saktan ang matalik na kaibigan pagkat ito pa din ang ama ng magiging anak ng kaniyang pinaka mamahal na babae.

Nanirahan na lamang sa ibang bansa si Jon habang nilulunod ang sarili sa trabaho.

Matapos ng mga trabaho sa opisina ay pumapasok naman siya sa restaurant tuwing gabi upang hindi mabakante ang kaniyang oras at muling maalala ang pait ng kaniyang nakaraan

Nakakatanggap pa din siya ng mga balita ukol sa nangyayari sa Pilipinas. Nabalitaan niyang sobrang saya ni Syrish nang siya ay agkaanak na.

Ikinasal na din siya kay Rio bilang pananagutan nito sa bata. kampante naman siya na hindi pababayaan ng kaniyang matalik na kaibigan ang babaeng kaniyang minahal ng lubos

Naniwala na lamang si Jon na balang araw ay may makakatagpo din siya na babae na para talaga sa kaniya.

Source: Inday Trending