4 na senyales ng mga Guardian Angels para magbigay ng mensahe o may gustong iparating sa tao

Naniniwala ka ba sa mga Anghel? siguro nga ay mahirap paniwalaan ngunit marami ang nagsasabi na totoo ang mga Anghel at may mga pagkakataon nga na ang mga Anghel nagpaparamdam ng kanilang presensya sa mga tao.

Maaaring hindi natin ito agad napapansin subalit kung pagtutuunan natin ito ng pansin at ating pahahalagahan ay mararamdaman natin ang presensya ng mga Anghel. Narito ang ilan paraan ng mga Anghel para magbigay ng mensahe at presensya.

1. Through Voice (Sa pamamagitan ng kanilang mga boses)

Hindi lahat sa atin ay pinagpala na makarinig ng mga Anghel subalit may mga tao na nakakatanggap ng mga banal na mensahe mula sa mga Anghel. Naranasan mo na ba na parang may bumulong saiyong isipan o kaya naman ay isang mga salita na dala ng hangin? kung ganoon ay maswerte ka dahil ito ay mula sa mga Anghel.

Nangangahulugan ito na nasatabi mo ang presensya ng mga Anghel at ikaw ay binabantayan niya, kung sakali man na iyong maranasan ulit na parang may nagsalita sa iyong isipan subukan mo siyang kausapin na muling ulitin ang kanyang mensahe upang iyong maintindihan ng husto.

2.) Through People (Sa pamamagitan ng katawan ng ibang Tao)

Ikalawang paraan ng mga Anghel para magdala ng mensahe saiyo ay sa pamamagitan ng katawan ng tao. Minsan ay may mga taong hindi mo kakilala na darating sayo o lalapit at ikaw ay kakausapin.

At dito sa taong ito, dito mababanggit ang isang bagay na kinakailangan mo marinig katulad na lamang sa iyong mga dapat na desisyon at gawin sa iyong buhay. Kaya naman kapag naranasan mo ang bagay na ito at nangyari sa iyo isipin mo na ito ay hinatid saiyo ng Anghel para ikaw ay gabayan.

3.) Through Song ( Pamamagitan ng mga Kanta)

Madalas nakikipag-usap ang mga Anghel sa tao sa pamamagitan ng Musika, Ang musika ay isang pandaigdigang wika at ang mga Anghel ay gumagamit ng mga kanta upang maghatid ng mensahe sa iba-ibang paraan.

Marahil nangyayari ito sayo na makarinig ng kanta na paulit-ulit na kahit saan ay iyong naririnig, maaaring ito ay paraan ng mga Anghel upang makipag-usap sayo lalo na kung ang kantang ito ay nahahalintulad sa iyong nararamdaman. Ipinaparinig sa iyo ang kanta ng mga Anghel upang tumaas ang iyong espiritu at tiyakin na ang lahat ay magiging maayos.

4.) Through Numbers (Pamamagitan ng mga Numero)

Ang isa pang paraan na susubukan ka ng mga Anghel na makuha ang iyong pansin at gabayan ka ay sa pamamagitan ng mga numero.

Ang ilang sa atin ay tinatawag itong “Angels Number”, halimbawa na ay ang mranasan mong nakaupo sa likod ng isang kotse na may 333 sa plaka, o mukhang tumingin ka sa relo araw-araw sa ganap na 11:11. ang ganitong pangyayari sa mga numero ay maaaring may tiyak na kahulugan at kung nagtataka kung ano ang ang kahulugan kung bakit mo lagi nakikita ang mga numero na ito ng paulit ulit.

Isipin mo lamang na ito ay palataan ng mga Anghel na iyong paglago at magkakaroon ng pagbabago.

Samantala, Ang mahalaga ay hindi lamang tayo naghanap ng mga palatandaan mula sa mga Anghel, dapat ay matuto rin tayo maging mapanuri sa ating ginagalawan at magkaroon tayo ng kamalayan.

Source: Belief Net