Isang Lola, nais maubos ang paninda kaya nakatulog na sa tabi ng kalsada habang nagbebenta ng kanyang panindang basahan

Halos magdadalawang taon na rin tayo simula ng magkaroon ng pandemya sa buong mundo. Ang lahat ng bansa ay nakaramdam ng matinding paghihirap lalo na pagdating sa paghahanap-buhay.

Lalo na sa mga matatanda, dahil hindi pinapayagang lumabas ang mga matatanda dahil sinasabing mahihina na ang resistensya nito at sila ang mabilis kapitan ng vìrus.

Ngunit sa kabila ng pagbabawal lumabas ng matatanda mayroon parin iilan tayong nakikita na lumalabas sa kalsada, hindi para maggala o mamasyal kundi naghahanap-buhay upang mayroon ipangtustos sa araw-araw.

Tulad na lang ng isang 67-anyos na matandang babae na ito na naglalako ng kanyang panindang basahan.

Kahit may edad na si Lola ay patuloy parin siyang naglalako ng kanyang panindang basahan para may ipanggastos sa kanilang pang araw-araw.

Samantala, kahit pa ang lahat ay apektado ng pandemya mayroon parin mga taong handang tumulong na walang hinihinging kapalit tulad na lang ng vlogger na si Denso Tambayan.

Nakita daw ng vlogger na si Denso ang kaawa-awang Lola na natutulog sa gilid ng kalsada habang naka-unan ang paninda nitong basahan.

Lumapit ang vlogger kay Lola at dito niya nalaman na ito pala ay namamahinga dahil sa pagod sa kanyang pagtitinda.

Kwento ni Lola, kumikita lang daw siya ng kabuuan na P220 kapag naubos ang kanyang mga basahan. Dahil sa narinig ng naturang vlogger sa sitwasyon ni Lola napagdesisyunan nito na bigyan nalamang si Lola ng pera para ito ay makauwi na at makapagpahinga.

Ngunit tinanggihan ito ni Lola dahil nais raw niyang maubos ang mga panindang basahan. Ilang beses na rin daw pinilit ng vlogger si Lola ngunit ayaw talaga nito pumayag na umuwi hanggang hindi nauubos ang kanyang paninda.

Nagbigay naman si Denso Tamabayan ng P2,000 kay Lola para daw kahit hindi ito makaubos ay mayroon itong pera na maiiuwi. Samantala, mayroon din daw rider na lumapit kay Lola at bumili ng paninda nitong basahan.

Nagmalasakit din ang naturang rider at binigyan si Lola ng pera at hindi kinuha ang basahan. Subalit muling tinanggihan ito ni Lola dahil sobra-sobra na umano ang kanyang natanggap. Inabutan ni Lola ng basahan ang rider para kahit papaano ay makabawi υmαnσ siya sa kabutihan nito.

Nakakatuwa lang isipin na sa kabila ng kalagayan ni Lola ay hindi siya naging madamot at mapagsamantala, dahil para kay Lola ay nais niyang magtrabaho ng patas at kumita ng galing sa malinis na paraan at kanyang pinaghirapan.