Mga construction worker, nakadiskubre ng lumang vault na naglalaman ng gold bars at pera na nagpabago ng kanilang buhay

Ang mga lumang alamat ay kadalasang isinasama ang mga istorya tungkol sa mga kayamanan na itinatago sa mga vault o mga treasure box at inililibing sa malalim na hukay sa kanilang bahay o sa kahit saan na ilang mga tao lamang ang posibleng makadiskubre nito.

Ngunit hindi lang pala sa alamat nangyayari ang mga ito kung hindi sa totoong buhay din.

Matapos ang napakaraming taon, madami na ang mga nagkalat na reports kung saan ang mga kayamanan na ito ay nakukuha o nadidiskubre ng iba’t ibang tao.

Kagaya na lamang ng nangyari sa grupo ng mga construction workers na ito na nadapa sa isang lumang vault. Hindi nila alam na ang laman ng naturang vault ay ang makapagpapabago ng kanilang buong buhay.

Sa isang video na umiikot sa online, ang grupo ng mga construction workers ay makikitang may dala- dala silang lumang vault mula sa loob ng isang bahay.

Kitang- kitang nahihirapan sila sa pagbubukas nito kahit na pinukpok na nila ng napakaraming beses ang lock ng vault ay hindi pa din ito nabuksan.

Sinubukan nilang buksan ang itaas na bahagi nito gamit ang circulating saw. Madami- daming beses din nila sinubukan hanggang sa namgkaroon ng maliit na puwang na kasiya ang isang kamay na maaaring kumuha ng mga bagay sa loob.

Una nilang nakuha ay ang mga paper bills na nakabuklod. Sa mas malalim na bahagi, doon nila natagpuan ang mga bareta ng ginto! Hindi lamang isa kung hindi madami pa!