29yo na balut vendor, inireklamo ng isang 69yo na ka-relasyon matapos ubusin ang lamang ng ATM nito

Ang pag-iibigan ay napakasarap at napakatamis sa una ngunit bandang huli ay hindi maiiwasan na magkaroon ng pait o hindi pagkakaunawaan. Ganyan ang pag-iibigan ng isang Balut vendor at isang retired Navy Officer sa una ay tila love at first sight ang kanilang pag-iibigan ngunit sa ending ay nagkaroon ng masalimuot at humantong ito sa pag sumbong o hingi ng tulong ng navy officer kay sir Raffy Tulfo.

Ang lumapit kay sir Raffy Tulfo para humingi ng tulong ay si Alberto Frio na 69 years old, para ireklamo ang kanyang naging karelasyon ng halos 4 na taon na si Ronelyn Solis 29 years old.

Ayon sa kwento ni Alberto, sa apat na taon na kanilang relasyon ay sinusuportahan nito si Ronelyn sa pinansyal at pinakikitunguhan niya ito ng mabuti kahit pa 3 beses na umano niya ito nahuling may lalaki. Pinatawad niya ito at nagkabalikan silang muli ngunit ayon kay Alberto ay muling inulit ni Ronelyn ang pangangaliwa at ngayon nga ito ay nabuntis ng ibang lalaki.

Samantala, ayon kay Alberto ay mapapatawad niya parin si Ronelyn sa kabila ng kanyang ginawa basta siya ay bumalik lamang ngunit tumatanggi naman si Ronelyn na makipagbalikan.

Dagdag pa ni Alberto na kapag daw hindi bumalik sa kanya si Ronelyn ay mapipilitan itong bawiin ang lahat ng ibinigay nito.

Nang ito ay marinig ni Raffy tulfo agad nitong sambit na marami na daw lumapit sa kanya na tulad ni Alberto na matandang lalaki na humihingi ng tulong na mabawi ang mga naibigay nito sa karelasyon. Ngunit sa mga kasong yon ay nagsasama sila sa iisang bahay kaya naman entitled ang babae sa kalahati ng kanilang property at perang ibinigay ni Alberto.

Kwento n Alberto na, Kamakailan lamang ay ibinalik no Ronelyn ang kanyang ATM card ngunit inubos nito ang laman. Sinabi naman ni Raffy Tulfo na kung ibinigay ng maayos ang ATM at PIN nito hindi na ito mabawi pa mula sa bangko dahil legal ang pag withdraw ng pera.

Kung binigay mo ang ATM Card mo na walang ginagawang kasulatan kung hanggang magkano lang ang wiwithdraw mo dito ay parang sinabi mo na rin na kahit ubusin mo pa ang laman nito. Dagdag pa ni Sir Raffy.

Kwento naman ni Ronelyn, isa siyang balut vendor ng sila ay magkakilala ni Alberto nagsusumikap siya non na magtrabaho para umasenso. Sinabi rin niyang ginamit niya upang ipatayo ng bahay ang napanalunan sa Casino. Inamin naman niya na ang ginamit na capital sa paglalaro sa Casino ay mula kay Alberto.

Tumanggi naman na tulungan ni Sir Raffy si Alberto dahil alam niya na ang paglalaro ng sugal sa Casino ay pagtatapon ng pera.

Dagdag naman ni Alberto na umabot ng halos 4 million ang naibigay nito kay Ronelyn ngunit 300,000 lang ang naibalik nito at nabayaran ng installment. Ayon kay Ronelyn ay wala na daw siyang pera at trabaho dahil di-umano at buntis ito ng 6 na buwan.

Ang gusto lang daw ni Alberto na mangyari ay maibalik sa kanya ang pera kahi 1 million lamang. Ang payo naman ni Sir Raffy ay maaaring dalhin na lang ito sa korte dahil walang pambayad si Ronelyn.