Dalaga na iniwanan ng boyfriend, nagbawas ng 40Lbs, nagpaganda at naging isang “Flight Attendant”

Sa panahon ngayon ibat-iba ang nahihiligan ng mga tao mayroong mahilig mag hiking mayroon naman mag travel, ngunit ang hindi mawawala ay ang pagkahilig sa pagkain halos lahat ata sa atin ay mahilig dito lalo na ngayon na kaliwa’t kanan ay mayroong mga kainan kaya naman tiyak na mahihirapan tayo sa pagbabawas ng timbang o pagpapayat.

Ngunit kung talagang desidido ka magbawas ng timbang o magpapayat ay magagawa mo namam ito basta determinado ka at wag susuko. Katulad nalang halimbawa ng isang dalagang si Que Huong na may edad na 19 taong gulang.

Ayon sa dalaga hindi niya talaga inakalang siya ay magiging isang “flight attendant” dahil daw sa kanyang timbang noon at pangangatawan. Kwento niya tumitimbang lang naman siya ng 75 kilos (165lbs) at may taas na 163 centimeters (5.3ft).

Noon daw ay madalas siyang nakakarinig ng panlalait sa kanyang paligid dahil daw sa kanyang pangangatawan at timbang nito. Kahit nga daw pagtingin sa salamin ay hindi na niya magawa dahil siya ay hiyang-hiya.

Ngunit ito ay binalewala niya nalang kahit pa anong sabihin ng iba dahil para sa kanya ay ayos lang naman ang kanyang pangangatawan. Pero isang araw hindi niya inakala na ang magiging daan pala ng kanyang pagpapababa ng timbang ay ang pagiging broken hearted dahil sa kanyang boyfriend.

Dahil nabalitaan kasi ni Que Hong na ang kanyang nobyo ay may nobya palang ibang at nang makita niya ito ay talagang mas maganda sa kanya at napakaganda ng katawan. Kaya naman imbis na malungkot at magmukmok ay nagsumikap siyang magbawas ng timbang at magpaganda ng katawan.

Kwento niya ay agad siyang nanghiram sa kamag-anak ng pera upang mag pa “membership” sa isang Gym. At bukod sa pag eehersisyo ay sinabayan pa din daw niya ito ng mga pagkaing masusustansya.

Ayon pa kay Que Hong ang kaniya daw laging kinakain ay pecho ng manok, isda, yogurt at ibat-ibang gulay. Kaya naman hindi nagtagal dahil sa kanyang pagsusumikap ay nakamit niya ang timbang na 57Kilos (125lbs).

Bukod sa nakamit niya ang kanyang timbang ay naoagdesisyunan na din niya na ituloy ang kanyang pangarap na maging flight attendant, kaya naman nag aral siya ng salitang ingles at pagkatapos ay nag-apply sa Jet Star upang maging ganap ng flight attendant.

Nakakatuwa naman talaga isipin na sa kabila ng kanyang naranasan pagkasåwi ng pusø ay yun pala ang magiging daan niya sa mas magandang kapalaran. Kung makikita niyo ngayon si Que Hong ay talagang magugulat kayo sa napakalaking transpormasyon sa kanyang katawan bukod sa maganda na ay sobrang seksi ng katawan.