Lalaki na bumiyahe ng 2,400 kilometro para i-sorpresa ang kanyang nobya, nadismaya sa kanyang nakita

Pagdating sa Pag-ibig lahat ay kaya mong gawin para sayong kasintahan para maging “best” ka para sa kanya.

Madalas nga tayo makakita sa social media ng mga couple na nag post ng kanilang mga sweet moment o kaya naman ay ang ginagawang effort ng kanilang boyfriend at proud na proud ang kanilang mga girlfriend na ipagmalaki ito sa lahat.

Ngunit ano kaya ang pakiramdam ng isang Lalaki kung malalaman niyang may iba ang kanyang Girlfriend, katulad ng kwento ng lalaking ito na matapos lakbayin o tahakin ang halos 2,400 kilometro para lang makita ang kanyang girlfriend ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahuli nitong may ibang kasamang Lalaki at kayakap ang kanyang Girlfriend.

Ayon sa isang twitter post na nagviral at naging usap-usapan, makikita sa larawan ang isang Lalaki na nakasuot umano ng isang teddy bear mascot.

Napag-alaman namin at ayon din sa caption ang Lalaking naka mascot na teddy bear ay mayroong girlfriend ngunit long distance relationship sila kaya naman napagdesisyunan ng Lalaki na puntahan ang kanyang girlfriend at lakbayin ang halos 2,400 kilometro para ito ay surpresahin. Ngunit hindi niya akalain na siya pala ang masu-surprise sa kanyang nakita.

Nang makita ng Lalaki ang kanyang girlfriend ay laking gulat nito na may kayakap itong iba, hinubad ng Lalaki ang ulo ng mascot at kanyang tinitigan ang kanyang girlfriend na nanloko sa kanya.

Maya-maya pa ay napansin ng kanyang girlfriend na para bang may nakatingin sa kanya at sa paglingon ng kanyang Girlfriend ay napansin nito na andon pala ang kanyang boyfriend na nakatayo sa likod at pinapanood kung paano sila mag yakapan ng kasama nito na ibang Lalaki.

Makikita naman sa ibang larawan na , umalis nalang palayo ang Lalaki matapos niyang makitang may iba ang kanyang girlfriend, ngunit siya ay hinabol ng kanyang Girlfriend at tila nagso-sorry at nagmamakaawa, sa huling larawan naman ay makikita na tumigil ang lalaki at niyakap ang kanyang girlfriend hindi naman masabi kung ano ba ang sumunod pang nangyari kung nagkabalikan ba ang dalawa o hindi na.

Ayon naman sa World of Buzz, ang naturang kwento at mga larawan na nagviral sa social media ay nangyari sa bansang China, ayon sa report birthday pala ng girlfriend ng lalaki kaya napagdesisyunan nito na ito ay puntahan upang isurprise. Sa ngayon ay wala na daw iba pang balita sa mga sumunod pang nangyari sa magkasintahan pagkatapos ng insidente.

Samantala, Marami ang mga netizen na nakikisimpatya sa Lalaki at nagsasabing maghanap nalang daw ng iba at hindi deserve ng kanyang girlfriend ang effort na ibinibigay nito. At ang iba naman ay nagsasabing hindi daw totoo ang larawan at pangyayari malamang ay gawa-gawa lang daw ito para pag usapan.