Matandang Foreigner, naging palaboy matapos malugi ang negosyo at iwanan ng kaniyang asawang Pinay

Ang 75 anyos na lalaking dayuhan ang nauwi sa lansangan ng Laguna matapos iwanan ng kaniyang asawa. Ayon sa kaniya, dati daw ay mayroon siyang negosyong pinapatakbo na computer shop sa Halang Canlalay Binan, Laguna ngunit nang iwanan siya ng kaniyang asawa ay unti- unti itong nalugi at napilitang magsara.

Ang British Foreigner mula sa London na ito ay hindi namamalimos ngunit ang netizen na si Sandrix Lita ang nagmagandang loob upang ipost ang kaniyang mga larawan nagbabaka sakali na makita ng kaniyang mga kamag- anakan ang kinakaharap niyang hirap.

Ayon sa ilan netizen din ang dayuhan daw na ito ay dating marangya ang buhay  hanggang sa malugi ang mga negosyo kung saan sumabay pa ang pag-iwan sa kanya ng kanyang asawa. Hindi nagtagal ay sa kalsada na lang din ito natutulog.

Nakilala ang dayuhan bilang si Arthur Ernest na nagbagahi ng kaniyang nakakalungkot na istorya. Mahirap para sa kaniya ang mamuhay ng mag- isa at walang sumusuporta. Kadalasan, ang mga taong dumadaan sa kaniyang harapan ay binibigyan siya ng pagkain.

Samantala, madalas niya lang ding ipamigay ang pagkaing ibinibigay sa kaniya dahil wala naman siyang bahay o kahit lutuan man lang. Ayon kay Sandrix, napakabait daw talaga ni Arthur kaya’t umaasa siya na kahit sa mga otoridad ay makaabot ang post upang siya ay matulungan pabalik ng London.

Kung tayong mga Pilipino ay hirap na sa buhay natin sa ating sariling bansa, ano pa kaya ang mga dayuhang kagaya ni Arthur. Nawa ay matulungan siya sa pamamagitan ng pamamahagi ng post na ito.