Isang 23yo na lalaki pinakasalan ang 38yo na ginang kapalit ang $100K , Ferrari, Alahas, Bahay at Lupa

Para sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, hindi daw mahalaga ang agwat ng edad. Hindi rin daw batayan ang pisikal na kaanyuan nito o estado ng buhay. Basta’t ang mahalaga daw ay mahal mo ang isang tao at tanggap mo ito.

Ngunit ang isang kwento na kumakalat sa social media kamakailan ay kumuha ng atensyon ng maraming netizen. Ito ay tungkol sa isang kasalan kung saan ang bride ay nasa edad na 38-anyos habang ang groom naman ay 23 anyos pa lamang.

Ang kasalan ng dalawa ay naging usap-usapan, marami ang nagtatanong kung bakit daw pinakasalan ng batang lalaki ang babae sa kabila ng kanilang malayong agawat sa edad.

Para daw mapatunayan ang kanilang pagmamahal, ikinasal ang dalawa noong ika-9 ng Enero sa Qionghai, Hainan isang Probinsya sa China.

Ayon naman sa ulat ng ET today News site. Nangako daw ang lalaki na ang kanyang asawa ay aalagan niya dahil bukod daw sa ito ay may edad na, ito daw ay nagdadalang tao pa.

Kwento naman ng groom, Nagulat raw ang kanyang ina nang malaman nito na ang kanyang mapapangasawa ay halos ka-edad lang ng kanyang ina. Sapagkat isang taon lang daw ang agwat nito sa kanyang Ina. At bukod dito may anak na daw ang babae na 14 anyos na.

Sa una daw ay ayaw talaga ng Ina ng groom sa kanyang magiging manugang, ngunit ang lahat ay nagbago. Dahil sa yaman ng bride nag-offer ito ng malaking bahay at lupa, sasakyang ferrari at 100K dollars. Dahilan upang lahat ay sumang-ayon at matuloy ang kanilang kasal.

Labis naman ang kasiyahan ng bride ng matuloy ang kanilang kasal, ang buong katawan ng bride ay punong-puno ng alahas at halos buong paligid niya ay kinukuhanan sila ng litrato habang silang dalawa ng groom ay nakasakay sa kanya mismong pagmamay-ari na sportscar.

Samantala, ang opinyon naman ng mga netizen ay magkakaiba at nahahati sa dalawa. Mayroong mga netizen na nagsasabi na yaman lang ang habol ng groom.

Habang ang iba naman ay naniniwala na tunay ang pagmamahal ng groom kay bride. Kung kayo ang tatanungin ano sa tingin niyo?