Isang Ama na abalang-abala sa paggamit ng cellphone, nagulat nang makita ang katawan ng kanyang anak na lumulutang sa Ere

Bilang isang magulang ay may tungkulin ka na dapat gampanan sa iyong mga anak, dapat ito ay iyong bantayan lalo na kung ito ay wala pa sa hustong gulang para alagaan ang kanilang sarili.

Para nga sa mga magulang ay ayaw na ayaw nilang mapapahamak o masasaktan ang kanilang mga anak, Kaya naman gagawin nila ang lahat para lamang maprotektahan ang kanilang mga supling.

Samantala, Sa kabilang dako kung may mga magulang na responsable ay may iilan din na magulang na hindi maalis na malibang sa ibang bagay at makalimutan ang kanilang mga anak.

Katulad na lamang ng isang pamilya na ito kung saan na “prank” ng dalawang magkapatid ang kanilang nanay at tatay na abalang-abala manood sa kanilang mga cellphone.

Makikita sa mga unang larawan na nakahiga ng tuwid sa sahig ang bunsong anak habang mga magulang nito ay nanonood at nakatingin sa gadget.

Para maglibang at biruin , maya-maya ay kumuha ng isang malaking kumot ang isang nakakatandang kapatid ng bata at itinakip ito sa kapatid na nakahiga sa sahig.

Kanilang kinuha ang atensyon ng kanilang mga magulang upang ipakita ang kanilang gagawin.

Ilang segundo lamang ang nakalipas ay sinimulan na ng magkapatid na gawin ang magic o ritwal at tila nga kakaiba na ang galaw ng naturang magkapatid.

Sa hindi maintindihan na pangyayari ay unti-unting umaangat ang bunsong bata na nakahiga sa sahig habang nakatakip ito ng kumot.

Dahil sa pangyayari, ay labis na nagulat at natakot ang kanilang mga magulang. Agad-agad tumayo ang padre de pamilya at inalis ang kumot para tignan kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

Doon lang nalaman ng mga magulang ng mga bata na nalinlang at naisahan sila ng magkapatid, dahil nakatukod lang pala ang kamay ng bunso mula sa sahig at sa dulo ng kumot kaya tila magmumukang nakaangat at nakalutang ang katawan nito.

Ang nangyaring senaryo sa naturang pamilya ay masasabing nakakatawa, Ngunit sa kabila nito ay maging aral sana ito sa mga magulang na huwag sanang pabayaan ang kanilang mga anak. Nawa`y laging bantayan ang mga ito lalo na sa mga batang wala pa sa hustong pag-iisip.