Isang Lolo, pilit pinapababa sa Jeep dahil sa mabahong amoy nito subalit nahiya sila nang malaman ang istorya ni Lolo

Usap-usapan sa social media ang isang post ng netizen na si Peng Contreras tungkol sa isang matandang na kanilang nakasabay sa pampasaherong jeep.

Ayon sa kwento ni Peng, ang ilan daw sa kanilang nakasabay na pasahero ng jeep ay nagrereklamo dahil sa mabahong amoy na nagmumula raw sa matandang lalake.

Dahil sa pagrereklamo ng ilang pasahero, pilit pinapababa ng deiver ang matandang pasahero. Subalit sa awa ng netizen na si Peng ay pinigilan niya ang driver at inako na siya ang magbabayad ng pamasahe ng matanda.

Nakilala ang matandang lalake na si Tatay Bert, ikinuwento raw nito ang nangyari sa kanya ayon dito isang linggo na raw siya walang ligo at humihingi daw siya ng dispensa sa kanyang mga kasabay sa jeep.

Dahil daw sa kanyang edad ay wala ng tumanggap sa kanya na magtrabaho kaya napilitan siyang mamalimos. Ipinakita pa niya ang laman ng kanyang bag na mga damit at pagkain na dadalhin sa kanyang pamilya.

Ang isa pang problema raw ni Tatay Bert ay may sakit ang kanyang misis at kailangan nito ng gamot. Nang marinig ng mga pasahero ang kwento ni Tatay ay halos lamunin daw ang mga ito ng hiya dahil sa pangungutya kay Tatay Bert.

Pinipigilan naman ni Peng ang kanyang luha dahil sa narinig na kwento kay Tatay Bert, napagdesiyunan niya na ito ay i-post sa social media para magbigay ng awareness sa iba na maaaring mangyari ang ganitong sitwasyon at wag husgahan agad ang taong ating nakikita sa panlabas na anyo.

Marami ang nagpaabot ng reaksyon sa kwento ni Tatay Bert.

“Wahhhh habang binabasa ko naiiyak ako ang lolo ko at tito ko dating basurero” “God Bless Sayo Bro At God Bless din kay Tatay”

“Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna”