Alagang pusa, umabot sa 50 pares ng sapatos ang naiuwi tuwing gabi matapos magnakaw sa kanilang mga kapit bahay

Ang mga alaga nating hayop ay walang kakayanang magkaroon ng pera pambayad sa ating pag- aalaga at pag- aaruga sa kanila ngunit mayroon silang kakayanan upang makahanap ng pagkakakitaan o hindi kaya man ay maireregalo sa kanilang amo bilang kapalit ng pagmamahal sa kanila.

Kagaya na lamang ng alagang pusa ni BJ Ross na si Jordan na nag nanakaw ng mga sapatos sa kanilang mga kapit- bahay. Ayon kay BJ, kada umaga ay magugulat na lamang siya na mayroong kakaibang pares ng sapatos ang nasa labas ng kanilang bahay.

Noong una ay inakala niyang wala lamang ito hanggang sa umabot na ito ng 50 pares. Makikita sa mga larawan na tila proud pa si Jordan sa kaniyang ginawa.

Dahil hindi naman malaman ni BJ kung kani- kanino ang mga ninakaw na sapatos ng kaniyang alaga, nag gawa siya ng isang Facebook group na kung saan doon nila tinatalakay ang mga ginagawa at kinukuha ni Jordan upang maibalik ito sa may- ari.

“If y’all know my cat Jordan, y’all know he loves to bring me home shoes!” saad niya.

Nag install din siya ng mga CCTV cameras para sa mas matibay na ebidensya na si Jordan nga ang nangunguha ng mga nawawalang sapatos.

Matapos mapag alaman ni BJ ang secret life ng kaniyang alaga, nilagyan niya ito ng GPS tracker. Ngunit laking gulat niya nang nakita ang haba ng nilibot nito. lumalabas na inikutan ni Jordan ang lahat ng bahay na malapit sa kanila.

Ayon pa dito, pinag hahandaan daw talaga ni Jordan ang kaniyang pagnanakaw sa gabi pagkat katakot- takot na tulog daw ang ginagawa nito tuwing may araw. Maaaring ang ibang pusa ay kabiyak lamang ng sapatos ang kayang iuwi, ngunit ibahin mo si Jordan pagkat kaya niyang iuwi sa kaniyang amo ang isang pares ng sapatos!

Kada gabi ay nakakayanan niyang maglakad ng 7- 8 na milya.

Source: Facebook