Selfie ng mag-ina na sinubaybayan ng mga netizens dahil sa mga larawan nila, huling larawan ay nagdulot ng lungkot sa madla

Iyan ang pinatunayan na isang user sa twitter na may pangalang @nanatao7 matapos magbahagi ng iba`t ibang litrato.

Masaya ang mga followers niya sa Twitter sa mga pinopost niyang litrato nasanay na nga mga ito sa mga post niya ng mga litrato kasama ang kaniyang ina.

Makikita dito kung gaano kasaya ang isang anak na makasama ang pinkamamahal na Ina.


Sa bawat litrato na kita ang mga ngiti nilang mag-ina ay nagiging inspirasyon ito para sa iba. Ngunit ang huling litrato ay ikinalungkot ng kaniyang mga followers at netizen sa twitter.

Marami ang mga netizens na nagbahagi ng kanilang komento na iba`t-ibang reaksyon sa socmed at dahil sa huling larawan nga ay marami ang naantig at nag share ng larawan na ito.

Marami ang humanga at naiyak sa katatagan na ipinapakita ng isang Ina sa kaniyang anak. Ito ang kaniyang naging mensahe sa huli niyang pinost na litrato sa social media.

“Kahapon ay ang huling araw ko sa high school. Sa loob ng 4 na taon sa pagkuha ng masasayang litrato kasama ang aking Ina. Noong ako ay nagsimula hanggang sa ako ay naka pagtapos ng pag aaral.


Ngunit sa isang iglap labis kong ikanalungkot na hindi man lang sya umabot sa huli. Ngunit ang kanyang paglaban ay nagbigay sa akin ng pag asa upang maging matapang hanggang sa ngayon.

Lahat ng aking pagsusumikap ay para sa aking Ina.”

Natuwa naman ang dalaga sa mga netizens na nagpaabot ng iba`t-ibang reaksyon at komento matapos makita ang kanilang litratong mag-ina.

“Maraming salamat sa lahat ng inyong pagtulong at pagsuporta. Hindi ko inakala na magbibigay ito sa inyo ng saya at kalungkutan sa huli.

Ang aming litrato ng aking Ina ay naglalahad sa inyo ng pagmamahal. Maraming salamat sa inyo”

Sila ay naging inspirasyon para sa iba at nagbibigay din ng paalala na hanggat nariyan at nakakasama pa natin ang ating magulang ay mahalin natin ito at ipakita natin kung gaano natin siya kamahal.

Dahil kahit ano pang mangyari mag-away man kayo at magtalo siya parin ang magulang mo at lahat ng magulang ay ang gusto para sa anak ay mapabuti ito.