Aso, ibinuwis ang buhay sa pakikipaglaban sa makamandag na k0bra upang mailigtas ang pamilya na nag-alaga sa kanya

Ang mga alagang aso ay itinuturing na man’s best friend dahil sa kanilang pagiging loyal sa kanilang mga amo kahit na buhay pa nila ang maging kapalit para lamang ma-protektahan ang mga ito.

Kagaya na lamang ng nangyari sa aso na ito na nag-viral dahil sa kaniyang pagiging matapang sa pakikipaglaban sa isang makamandag na c0bra.

Binuwis ang sarili upang ma-protektahan ang pamilya na kanyang ginagalawan, nagmahal at nag-alaga sa kanya.

Ang pangalan ng Dachshund ay Miley na ginawa ang lahat para lang hindi makapasok ang c0bra sa loob ng bahay ng kaniyang amo na si Jaime Selim.

Sa kasamaang palad, binawian ng buhay ang aso dahil sa ven0m ng c0bra.

Base sa Facebook post ni Selim, tinangkang pasukin ng cobra ang kanilang bahay sa Barangay Lanao, Kidapawan City, Philippines ngunit ang kaniyang dalawang alagang aso na Dachshunds ay pinigilang makapasok ang c0bra.

Makikita sa CCTV Footage na ginawa ng dalawang aso ang kanilang makakaya para mapaalis ang cobra kahit na sa tuwing kinakagat nila ito ay mas lalo pang nagiging malakas ang pwersa ng cobra pagkat dumudura ito ng kaniyang ven0m.

Parehong natuklaw ang dalawang aso ngunit nagtagumpay sa pagpuksa sa c0bra. Ayon pa kay Selim, iniligtas daw ng mga asong ito ang buhay ng kaniyang 1 taong gulang na anak na natutulog sa kwarto noong mga panahong iyon.

Kaya matuto tayong mahalin ang mga hayop kagaya ng mga aso dahil sila ang isa sa mga nilalang na hindi mag dadalawang isip na iligtas ang buhay ng kahit na sino.

Source: Trendszilla