Isang Magsasaka sa India hindi inaasahan na makakahukay ng isang diyamante na nakapagpabago ng kaniyang buhay

Maraming nagsasabi na sa Lupa ay may makukuha tayong kayamanan na totoo naman talaga andyan nga ang mga gulay, prutas , halaman at iba pang mineral na ating kinakailangan upang mabuhay.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng iba na mayroon pala talagang literal na kayamanan ang maaari nating makuha sa lupa. Katulad ng isang magsasaka mula sa Panna, India na nakapulot ng isang diyamante sa lupa na kanya lang inuupahan.

Ayon sa mga balita, napag-alaman na ang dyamante o “diamond” na nakuha umano ng magsasaka ay may timbang na 14.98 carat at ito ay nagkakahalaga sa India ng 6 na milyong Rupees o may katumbas na $82,000 at kung iko-convert sa pera natin dito sa Pilipinas ay may halagang Php3.9 milyong piso!

Ang sinasabing maswerteng magsasaka ay si Lakhan Yadav, Ayon sa magsasakang si Lakhan nung una raw ay hindi niya inakala na ito ay isang diyamante akala daw niya ay isa lamang itong maliit na bato. Ngunit ng kanya itong nilinis ay nagulat siya nang mag-iba ang itsura nito at umiilaw sa kintab.

Agad-agad niya itong ipinatingin at ipinasuri sa mga eksperto at dito nakumpirma na tunay nga itong diyamante. Labis naman ang kasiyahan ni Lakhan at dahil daw sa diyamante na kanyang nakuha ay magkakaroon na siya sa wakas ng pera na pangsuporta sa pag-aaral ng kanyang mga anak.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Lakhan kaya naman nais niyang makapag tapos ang kanyang mga anak at ito ang una niyang paglalaanan sa mapagbebentahan ng napulot niyang diyamante.

“I am not an educated person and I`ll put the money in a fixed deposit to ensure my four kids get good education”. Pahayag ni Lakhan.

Samantala, Bukod sa itinabi niyang pera para sa pag-aaral ng kanyang mga anak ay bumili rin si Lakhan ng isang motorsiklo para sa kanyang sarili. Ang motorsiklo na kanyang binili ay nagkakahalaga ng 100,000 Rupees o may katumbas na US$1,300 at Php65,200 naman sa Pera natin sa Pilipinas. Ang naturang kwento na ito ni Lakhan ay umani ng iba’t-ibang reaksyon at komento mula sa Publiko.

Narito ang ilang komento at reaksyon ng mga Netizen:

“Sobrang swerte mo Kuya, Siguro kaya ka din na be-bless dahil mabait ka at inuna mo talaga ang kapakanan ng iyong mga anak kuya. Gamitin ang pera sa tama” ayon sa isang Netizen.

“Well. Ganyan talaga. Yan talaga ang literal na swerte ” Komento ng isa.

“He is a very Lucky guy, indeed ! Congratulations. Spend the money wisely!” Pahayag naman ng isang netizen.

Source: Inquirer