Silipin ang kwento ng Hashima Island kung bakit tinagurian itong Ghost Island sa Japan

Marami sa atin ang nagsusumikap na magtrabaho para magkaroon ng bahay na matitirhan dahil napakahirap ang walang sariling bahay na ma-uuwian at matutulugan.

Samantala, lingid sa kaalaman ng iba na maraming lugar sa buong mundo ang may mga bahay subalit mga walang taong nakatira katulad na lamang ng isang Isla ng Hashima sa bansang Japan.

Ang Hashima Island ay kilala rin sa tawag na battleship island dahil sa korte at disenyo nito na matatagpuan sa bansang Japan.

Sikat na ang lugar na ito sa Japan subalit mas nakilala ito ng gawan ito ng pelikula noong 2017 ng bansang korea at may titulong “The Battleship Island”. Ang naturang pelikula ay nakatuon sa 400 mga Koreano na sapilitang pagtatrabaho noong panahon ng pananakop ng Japan noong panahon ng World War II.

Ang naturang Isla ay may layong 15 KM mula sa Nagasaki City na nakakasakop sa Isla nato.Ayon naman sa 2016 na sensus at pag-aaral wala ni-isang tao ang nakatira dito at ang naturang Isla ng Hashima ay isa sa mga 500 na isla na abandonado sa Nagasaki Japan.

Samantala, napag-alaman din na ang Hashima Island ay tinirahan ng minero ng uling noong 1987 at itinuturing na isa sa malaki at tagumpay na industrialization sa bansang Japan, tinatayang may 5, 259 na mga minero ang naninirahan at nagtatrabaho sa Hashima Island noong mga panahon na iyon.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari noong January 1974, ang kompanyang Mitsubishi ay opisyal na pinasara ang pagawaan ng uling kaya naman walang nagawa pa ang mga taong nakatira sa Hashima Island kundi ang bumalik na lamang sa mainland ng Japan.

Tinatayang may sukat na 16 na ektarya ang Hashima Island at ito ay mas malaki sa siyudad ng Manhattan na matatagpuan sa New York City.

Sa kasalukuyan ang mga bahay at building sa Hashima Island ay mga buo pa na ngayon ay itinuturing na lamang na tourist destination ng mga turista.