Netizen ibinahagi ang kwento ng isang Lechon Manok Vendor na kumikita ng P100k kada-buwan!

Ang pagkakaroon ng trabaho ay malaking biyaya na para sa atin, kaya nga tayo nag-aaral at makapagtapos para magkaroon ng maayos na trabaho tulad ng sa opisina ng sa gayon ay hindi tayo mahirapan.

Ganyan talaga ang ating basehan at laging nasa isipan ang makapagtapos ng pag-aaral para magkaroon ng disenteng trabaho, subalit kung minsan may mga pagkakataon na mas kumikita pa ng malaki ang taong normal na mamamayan at nagtitinda kaysa sa mga taong nasa opisina at isang empleyado.

Katulad na lang ng karanasan ng isang netizen na si Mark Anthony Pascua sa pakikipag-usap sa isang tindero ng lechon manok.

Ayon sa netizen, habang bumibili siya ng manok para iulam ay hindi niya naiwasan magtanong kay Manok Vendor.

Me: Isang lechon manok po kuya
Tindero: Eto sir 230 lang
Me: Lakas ng store mo kuya no, magkano nabebenta mo sa isang araw?
Tindero: around 40 sir
Me: Dami pala kuya magkano yung isang manok na fresh kuya?
Tindero: 130 sir, minsan depende magkano bigay ng supplier
Me: Sige kuya salamat

Nang matapos ang usapan ay bigla raw napaisip si Pascua, dahil sa kanyang pagiging regular employee sa opisina at nagtatrabaho ng 8 hrs ay hindi niya kikitain ang kinikita ni Manok Vendor.

Hanggang sa pag-uwi ni Pascua ay hindi mawala sa kanyang isipan ang Manok Vendor, sa kanyang pagko-compute ay tinatayang 3,400 pesos ang kinikita ni Vendor kumpara sa kanya na nasa minimum wage.

Kaya naman biglang pumasok sa kanyang isipan na hindi basehan ang taas ng pinag-aralan at trabaho para umangat sa buhay determinasyon,sipag at tiyaga ang kailangan para umunlad sa buhay tulad ni Manok Vendor.

Samantala, may ilang nagkomento naman na kinuwestyon ang naturang computation ni Pascua dahil hindi daw nito sinama ang kailangang kapital at mga gamit sa pagtitinda.

” kulang yung computation nya. Building even a small business is complicated.” – Evette Caparas

“Hindi ganun yun, Hindi ganun kadali mag negosyo Ako 3 na branch ko hanggang ngayon dipa ako mayaman eh, mali Ang computation nyan,puro kabig lang Ang kinompute,” -Lester Kasan

Subalit, Kahit pa gaano kalaki o kaliit ang kita ni Manok Vendor ang mahalaga ay kumikita siya na hawak ang kanyang oras at siya ang boss.

Ipagpasalamat din natin kung mayroon tayong disenteng trabaho ngunit ang magandang payo ay habang nagtatrabaho ay mag-ipon para balang araw ay mayroon tayong magagamit kapag dumating ang panahon na tayo ay magreretiro na sa trabaho.