Ginang na laging naninigaw sa isang Matanda sa tuwing nangungutang, Natauhan ng biglang nagbago ang kanilang estado ng Buhay

“Aling Perla! Hindi na nga ho pwedeng mangutang! nakita niyo lang na kakabukas ko lang diba? Saka ho marami pa kayong utang dito, kailan nyo balak mag bayad??” Sigaw ni Wendy sa isang matandang nangungutang.

“Pasensya na Wendy, huwag ka naman masyadong sumigaw, sobrang nakakahiya may ibang nakakarinig eh” mahina at hiyang-hiya na bulong ni Aling Perla kay Wendy.

“Abay dapat lang na mahiya ka. Sobrang tagal na ng utang nyo halos dalawang buwan na ito tsaka sa halagang dalawang piso hindi ka makabayad??” dagdag pa na pamamahiya ni Wendy sa matanda.

“Pasensya kana talaga ha Wendy, walang-wala lang talaga kami ngayon, nagkasabay-sabay pang nawalan ng trabaho ang mga anak ko” sagot ng matanda na sobra na ang kahihiyan na dinanas.

“O tapos? mangungutang ka nanaman sakin ha? Para kayo may makain at mga anak ko naman ang magugutom ha ganon ba?” pasigaw na sagot ni wendy sa matanda habang nagaayos ng paninda.

“Maawa ka naman Wendy, Halagang 50 pesos lang na noodles para lang ulamin ng mga anak ko pautangin mo na ko siguro naman hindi naman ikagu-gutom ng mga anak mo ang halagang yon” sagot ng matanda na lalong nagpainit ng ulo ng tindera.

“Kahit pa magkano yan! Wala! Umalis ka dito at may mga bibili pang iba, Huwag kang masanay na lagi ka nakakapangutang! wala ka naman pangbayad!” Paninigaw nito sa matanda na talaga nama na paatras ang kawawang matanda at umuwi na lamang.

Si Wendy ay isang ina ng kanyang tatlong anak, tanging ang sari-sari store ang kanyang kabuhayan pero dahil dito nabuhay at naibigay niya ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

Maliit pa lamang ang bunso niyang anak ay naghiwalay na sila ng kanyang asawa dahil sa nahuli niya itong nambabae at imbis na mag sorry itong asawa niya ay mas pinili na sumama sa babae at ipagpalit silang mag-iina.

Kaya naman simula noon ay mag-isa nang itinaguyod ni Wendy ang kanyang mga anak at natutong maging masinop sa pera at sa mga kanyang kinikita araw-araw.

Kaya naman sa tuwing may nangungutang sa kanya na mga kapitbahay siya ay galit na galit. Nang araw naman yon pagkaalis ni Aling Perla, napapansin niya na paunti ng paunti ang bumibili sa kanya hanggang sa abutin na ito ng gabi at halos wala pang benta.

“Sobrang malas naman talaga sa mga paninda ko yang matanda na yan oh” salita nalang ni Wendy habang nag sasara. “Hindi ko naman obligasyon na sila ay pakainin” dagdag pa nito na sobrang inis na.

Samantala, Nagulat siya sa kanyang isang araw na paggising nya ay nakita niyang humahagulgol ang bunso niyang anak dahil sa gutom.

Agad-agad siyang pumunta sa tindahan para kumuha ng pagkain pero palapit pa lamang ito ay napansin niyang limas na lahat ng kanyang paninda.

“Mami, mangutang ka muna kay Aling Perla, kahit ano po kahit noodles lang po ko ang sakit na kase talaga ng tiyan ko” sambit ng kanyang anak.

Sobrang nagtataka naman si Wendy sa mga nangyayari, pero binalewala muna niya ito dahil nakita niyang nagugutom ang kanyang anak. Kaya naman agad itong pumunta sa bahay ng matanda at laking gulat nito na puno ang bahay ng paninda at maraming bumibili bakas sa mukha ng matanda ang kasayahan at kagalakan.

Kahit pa sobrang nahihiya si Wendy ay nilakasan niya ang kaniyang loob para sa anak na sobra na ang gutom,

“Oh, kamusta Wendy kukuha ka ba ulit? Dyusko huwag ka na mangutang at mababaon ka lang at lalaki ang bayarin mo , oh ito tanggapin mo, ako nagluto niyan!” Nakangiting sambit ng matanda habang inaabot ang malaking tasa ng arroz caldo. Naiiyak-iyak naman na tanggapin ni Wendy ito at pinakain sa kanyang mga anak.

“Grabe anak, sobrang bait ni Aling Perla, kahit pa hindi ko siya pinautang kahapon at pinagtabuyan ko ay binigyan niya parin ako ng makakain niyo” sambit niya habang nakatingin sa kanyang anak.

Maya-maya lamang ay nagulat siya na parang may tumutulak sa kanyang likuran.

“Mami, Mami gising na po, may mga nabili na po sa tindahan!” sigaw ng kanyang bunsong anak.

“Ha? Panaginip lang pala yon?” Tanong niya sa kanyang sarili habang papunta sa kanyang tindahan, Pero hindi para magbukas agad, kundi kumuha ng ilang makakain at dinala niya ito sa bahay ni Aling Perla.

Habang ito ay patungo kila aling Perla, Nakita nitong tulala sa pintuan ang matanda, dahilan upang kaagad siyang lumapit at ini-abot ang kanyang bitbit na ulam.

“Eto o, Pagpasensyahan mo na ang inasta ko ha Aling Perla. Napagtanto ko na maling-mali ang ginawa ko, Alam kong walang ina na kayang tumiis sa kanyang mga anak, kahit pa man mahirap sa loob natin ay handa tayong magpatapak ng dignidad sa iba para lang sa ating mga anak. Kaya patawarin mo sana ko kung hindi kita agad inintindi” sambit ni Wendy kay Aling Perla habang nakatungo at nangingiyak ngiyak na pasasalamat naman sa kanya ni Aling Perla.

“Sobrang laking tulong nito Wendy” Naiyak na sagot ng matanda.

Doon nagsimula na naging mabait si Wendy kanyang mamimili. Kahit pa man siya ay mahigpit pagdating sa pangungutang. Basta alam nitong kailangang-kailangan at para sa mga anak o pamilya binibigyan niya ito kahit kaunting makakain. Naging dahilan naman ito upang dagsain at tauhan ang kanyang tindahan hanggang sa naging isang grocery store na labis naman niyang ipinapasalamat.

Minsan ay dumarating sa atin na mas nauuna ang galit o inis sa ating pusot isipan. Kaya naman nakakalimutan natin intindihin ang mga tao nanasa paligid natin. Nawa`y bago tayo magsalita sa isang tao ay isipin muna natin kung saan ito nanggaling at kung makakasakit ba tayo sa ating sasabihin na maaaring bumalik sa atin pagdating ng panahon.

Source: Inday Trending