Couple nakaipon ng “1 Million Pesos” mula sa kanilang natitirang barya sa bulsa! Hinangaan ng Netizens!

Bawat isa sa atin dapat ay marunong mag-ipon at magtipid. Dahil kung marunong ka mag-ipon ng pera ay mayroon kang magagamit na panggastos sa oras na iyong kinakailangan tulad ng mga emergencies.

Maraming diskarte at paraan ng pag-iipon lalo na kung gusto mo makaipon ng malaki dapat ay taasan mo din ang iyong Pera na itatabi at kung hindi naman ay maaari naman na magtago kahit magkano ang iyong gusto o extra budget mo.

Ang pag-iipon ay nakadepende sa kung paano mo disiplinahing iyong sarili.

Halimbawa na lamang ang kwento ng magkasintahan na sina Yona Abela at Kit Cunanan. Bukod sa paglago ng kanilang pagmamahalan ay kasabay nito ang paglago din ng kanilang iniipong pera.

Ayon sa magkasintahan, Isa daw sa kanilang mga relationst goals ay ang makapag-ipon ng kanilang sariling pera.

Dagdag pa ng magkasintahan, ang target daw nilang amount ay 1 million pesos. Kung ating iisipin ay medyo hindi kapani-paniwalang mangyari, subalit dahil sa kanilang disiplina sa sarili at pagiging committed sa kanilang pangako ay nagawa nila ito at naging inspirasyon sila sa marami.

Ang nakakamangha pa sa magkasintahan ay imbis na mga perang papel ang kanilang nililikom, mas pinili nila ang mga baryang pera na natitira sa kanilang bulsa, ang lahat ng barya na natitira sa kanyang bulsa ay inihulog nila para daw kahit papaano ay magkaroon ng thrill ang kanilang “ipon challenge”.

Pahayag ni Yona, kung hindi daw dahil baryang natitira sa kanilang bulsa ay hindi daw magiging posible na makabuo ng isang milyon.

Dahil sa pagiging viral ng naturang ipon challenge ng magkasintahan, Maraming netizens ang nainspire sa kanilang dalawa. Bukod dito maraming netizens ang “Napa sana-all may isang milyon”.