Narito ang kahulugan ng guhit letter “M” sa ating palad at kung anong dalang swerte nito

Karamihan sa atin ay naniniwala sa guhit ng palad kung saan naka-base daw ang ating kapalaran sa linya ng ating mga palad. Ayon din sa mga marunong magbasa nito ang mga linya daw ay naka-base sa buhay, pag-asenso, pera, goodluck and bad luck.

May tinatawag din silang Letter M na guhit sa ating palad kung saan maganda daw itong pangitain sa ating buhay at future.

Hindi lahat ng tao ay mayroon letrang M sa palad, bawat isa sa atin ay ibat-iba ang guhit sa palad kaya naman kung ikaw ay may letrang M sa palad o ang iyong kapareha dapat mong malaman ang ibig sabihin o ang kahulugan nito.

Ang letrang M sa palad may sariling kahulugan at kahalagahan na nakapaloob dito, ito ay binubuo ng tatlong ‘Major Line’ sa palad.

‘Heart Line’ na kumakatawan at nagsisimbolo sa emosyon, ‘Head Line’ ay para naman sa katalinuhan at pagpapasya at ang huli ay ang ‘Lifel Line’ na kumakatawan sa pisikal na enerhiya o sa lakas ng tao.

Ayon sa isang eksperto at influencer na si Apple Paguio ilan daw sa mga ibig sabihin nito ay:
*Pagkakaroon ng kakayahan at kahusayan sa pamumuno.
*Pagiging ‘number 1’ o palaging nangunguna sa kahit na anong larangan na lahukan.
*Swerte sa pag-aalaga ng halaman at pagpapatakbo ng negosyo
*Pagkakaroon ng matalas na pandama o pakiramdam

At iyan nga ang ilan sa mga kahulugan daw ng letrang M na guhit sa palad, subalit hindi ibig sabihin na kung wala kang letrang M sa palad ay hindi kana magtatagumpay ,ang tunay na tagumpay sa buhay ay nasa ating kamay at gawa kung tayo ay nagsusumikap sa buhay at may pananalig sa Diyos ay tiyak na ikaw ay magtatagumpay sa buhay.