Babaeng Pasahero, nakaranas ng panghåhåras mula sa driver at konduktor ng bus na nasakyan

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Abby Nicasio Bautista sa kanyang Facebook Account ang naging karanasan niya matapos siyang pilitin sumama at takutin ng isang konduktor at driver ng bus na kanyang sinasakyan.

Ayon kay Abby, mas pinili raw niya sumakay ng bus imbis na mag MRT dahil sa nahihirapan siya humakbang at maglakad ng pag akyat patungo ng tren dahil sumasakit ang kanyang tuhod. Kaya naman sumakay siya ng bus patungong Cubao at sa kanyang pag-upo ay sinabihan siya ng naturang konduktor.

“6pm galing ako ng Guadalupe. Sumakay nalang ako ng bus since mababa potassium ko panay hagdan sa may MRT syempre mahirap humakbang mahina tuhod ko. Sumakay ako ng bus pa-Cubao. Pag upong pag-upo ko, tinabihan ako nung konduktor. Pagdating ng Santolan dun na nya ko kinausap tsaka nung driver since bumaba lahat nung pasahero,” ani Abby.

Pagpapatuloy ng kwento ni Abby, pinipilit daw siyang isinasama ng konduktor kaya naman hindi siya nakababa ng Cubao dahil dire-diretso ang takbo ng bus.

Aniya, “Dapat bababa ako sa Cubao, pero di sila tumigil doon. Dinetretso nila ako sa QC. Doon na nila ako pinilit na sumama sa kanila. Deretso daw kami sa Monumento saglit lang daw.”

Dahil sa sobrang takot ni Abby, hindi raw niya magawang makapag-text o maka-tawag sa kanyang mga kaibigan at pamilya dahil tinabihan daw siya ng konduktor at hinawak-hawakan siya nito.

Ayon pa kay Abby, ala siete ng gabi ng makarating na sila sa Qmart, may mga pulis at may mga pasaherong nakapila kaya dito na tumayo ang konduktor upang pasakayin ang mga pasahero dahil wala itong choice dahil may mga pulis dito.

“May pulis at may mga nakapila pasahero kaya no choice sila kailangan nila magpasakay. Tumayo saglit yung konduktor tapos yung babae na sumakay tumabi sakin. Sa sobrang takot ko nanginginig ako nagtype sa phone ko para ipakita sa katabi ko na babae,” ani Abby.

Pagka-alis ng konduktor ay agad nagtype si Abby sa kanyang cellphone nang may tumabi sa kanyang babae upang makahingi siya ng tulong.

“MISS ISAMA MOKO PABABA HINAHARASS AKO NG KONDUKTOR.”

Nagulat umano ang babaeng tumabi sa kanya, kaya’t pagdating sa babaan hinawakan ng babae ang kamay niya at pinaunang pinababa.

Hindi pa tumitigil ang konduktor at bumaba rin ito at tinatawag pa sya. Umiyak nalang si Abby sa sobrang takot at tumakbo papalayo sa bus at nakalimutan na niyang tignan ang plate number ng bus.

Labis naman ang pasasalamat ni Abby sa babae na tumulong sa kanya, Ngayon hinihikayat ni Abby ang lahat na mag doble ingat sa pagbyahe lalo na sa mga kababaihan na umuuwi ng gabi.

Payo ni Abby, “Sa mga babae jan na bumabyahe ingat po tayo kahit saan lugar. Lakasan nyo loob nyo. Kahit saan maraming manyak. Kung ano man suot mo, payat ka man o mataba, matanda o bata, wala kang ligtas sa mga mata ng manyak. Kaya doble ingat din po kayo kung maaari wag kayo bumyahe ng mag-isa.”