Lola hindi napigilan ang maiyak sa sobrang saya matapos magboluntaryo ang 45-na katao para ayusin ang kanyang tagpi-tagping bahay

Sa kabila ng mga naririnig natin at nababalitaan na may mga taong gumagawa ng masama sa kanilang kapwa, Hindi parin nawawala ang mga taong may ginintuang puso na tumutulong sa mga taong nangangailangan at hindi humihingi ng kapalit.

Ang ilan nga sa madalas natin nababalitaan na tinutulungan ay ang mga bata na pagala-gala sa lansangan at walang pamilya, mga person with disability (PWD) at ang mga matatanda na mag-isa na lamang namumuhay.

Malaki ang naging kontribusyon ng ating mga nuno o ating mga lolo at lola hindi lang sa ating bansa maging sa buong mundo, Dahil kung ano ang tinatamasa ng ating henerasyon ngayon ito ay dahil na rin sa kanilang hirap at pagmamalasakit nila noon.

Kaya naman para tayo ay makabawi sa kanila at sa ating mga lolo at lola, dapat ay bigyan natin sila ng halaga sa kanilang pagtanda.

Tulad na lamang ng isang matandang babae na ito na nakatira sa isang tagpi-tagping bahay na anumang oras ay maaaring masira at gumuho ang natulungan ng isang grupo.

Ayon sa nakalap na impormasyon ang matandang babae ay halos 45 taon na sa kanyang tagpi-tagping bahay, At dahil sa dala na rin ng mga dumaang malalakas na buhos ng ulan at hangin ay marupok na ang mismong bahay.

Kwento naman ni Lola gustuhin man niya lumipat o ipagawa ang nasisira nitong bahay ay wala siyang magawa dahil wala siyang sapat na pera, Kaya naman pinagtitiyagaan na lamang niya kung ano ang mayroon siya ngayon.

Samantala, Ang isang grupo naman ng mga boluntaryo ay naantig ang puso sa kwento ni Lola at nais nila itong tulungan sa kaawa-awa nitong kalagayan.

Ang grupo na ito ay kinabibilangan ng mga propesyonal at mga boluntaryo na nagtulong-tulong na maisagawa ang mga tirahan ng mga taong nangangailangan tulad ng sitwasyon ni Lola kaya naman alam na ng mga ito ang gagawin.

Pagdating sa ginamit na materyales ay hindi nagtipid ang grupo dahil nais nilang siguraduhin na ang mga bahay na kanilang gagawin ay matibay at mananatiling nakatayo kahit pa ilang bagyo ang dumaan.

Ang naturang bahay na ginagawa nila ay kumpleto na dahil maging ang mga tubo para sa tubig ay ikinabit na rin nila at pati ang para sa kuryente at iba pang mga pangangailangan sa araw-araw.

Ganito mismo ang kanilang bahay na ginawa para sa matanda at ng matapos ng mayari ang bagong bahay ng matanda ay labis-labis ang kagalakan nito at pasasalamat sa grupo ng boluntaryo. Hindi rin napigilan ni Lola na pumatak ang kanyang luha, Dahil dito ay hindi na kailangan pang mag-alala ni Lola tuwing nagbabadya ang masamang panahon dahil kahit pa umulan ay siguradong ligtas ito sa loob ng kanyang bagong tirahan.