Isang Guro, nagbahagi ng 12 tips sa kanyang “IPON CHALLENGE” kung paano makaipon ng mahigit Php100,000 sa loob lamang ng isang taon

Palaging sinasabi sa atin ng ating mga magulang at mga nakatatanda sa atin na habang bata kapa ay matuto ka ng mag-ipon para kapag dumating ang oras na ikaw ay nagigipit ay meron kang ipong madudukot.

Katulad ng kwentong ito na nagbigay inspirasyon sa iba ito ay kung paano makakapag ipon ng malaking halaga, ibinahagi mismo ng guro na si Cathlyn De Leon Mariano ang mga tips kung paano makaipon ng higit Php100,000 sa loob lamang ng isang taon.

Aniya sa bahagi ng kanyang post: “Kung gusto mong magtagumpay sa IPON CHALLENGE mo, magagawa mo dahil gusto mo”

Ayon sa Guro na si Mam Cathlyn ang pinakamahalaga daw na sangkap sa oag iipon ay ang tamang disiplina kaya naman para makatulong at makainspire ng mga gustong makaipon ay kanyang ibinahagi ang ipon challenge experience niya sa mga netizen at ang 12 tips na kanyang ginawa.

Narito sa baba ang 12 tips ni Mam Cathlyn para sa “IPON CHALLENGE”.

“Kung gusto mong magtagumpay sa IPON CHALLENGE mo, magagawa mo dahil gusto mo.”

1.) UNA, Mag-pray ka palagi kay Lord kahit kailan hindi ka niya pababayaan sa lahat ng goal mo sa buhay. Mag-join ka rin sa mga group tulad ng PISO KO IPON KO, Chink+IPONaryo at Peso Sense etc. Siguradong mas na inspired ka mag-ipon kapag nakikita mo ang mga success ipon serye ng iba. Manood ka din ng financial videos ni coach Chinkee Tan. You will learn a lot and inspire more on how to be financially responsible.

2.) PANGALAWA, Tandaan ang simple saving formula na ito. Income – Savings = Expenses. Kapag hawak mo na ang kita mo ibukod mo na yung ipon mo tapos yung matitira ang panggastos nyo. 10% ng sweldo ko ang sinesave ko at yung certain portion ng mga benefits na natatanggap ko bukod sa extra income ko.

3.) PANGATLO, Wants vs. Needs. Dapat alam mo ang pagkakaiba sa kailangan mo at gusto mo lang. Unahin ang mga needs over wants. Isantabi ang mga bagay na kaya mo naman mabuhay kahit wala yun kasi luho now, luha later. Example,di bali nang walang iPhone basta may iPon. Hindi ako nag uupgrade ng cellphone basta nakakatext, nakaka call, nakaka-fb at nakaka selfie okay na yun.

Iwasan mo din yung mga doble dobleng number tulad ng 11:11, 12:12 haha (shopee) Learn to live within your means.Hindi yung gala dito, pasyal don. Bili dito,kain don. Milk tea dito, starbucks don. Pwede naman itreat ang sarili wag lang sobra. Just be a Kuripot(wise spender) dahil ang pera mo ay hindi pinupulot at syempre kapag wala kang bisyo sigurado ang inyong pag-asenso.

4.) PANG-APAT Alkansya o Bank account. Itabi mo yung ipon mo sa safe na lugar. Kung hindi ka pala sungkit pwede ka mag-alkansya,kung hindi mo matiis banko mo. Yung passbook lang walang atm para di ka pindot ng pindot. Ako kasi alkansya muna tamad kasi ko pumila sa banko tapos pag binuksan na si piggy diretso na sa savings account.Pag alkansya, hiwalay dapat ang papel sa barya para hindi masira yung papel alog-alugin mo din para di mag moist at amagin.:)

5.) PANG-LIMA, Law of Attraction. Lagyan mo ng label yung alkansya. May pamahiin kasi na pag may alkansya may magkakasakit sa pamilya. Hindi totoo yun nasa isip mo lang yun. Sulatan mo yung alkansya mo kung para saan ba ang iniipon mo.

Ako kasi tuwing maghuhulog kinakausap ko pa yung baboy ko kung para saan bakit ko siya binubusog. Tunay ngang nakakaadik ang mag-ipon. Mag Set ka ng target para mas mamotivate ka magsave.Basta lagi mong isipin na magtatagumpay ka sa ipon challenge mo.

6.) PANG-ANIM, Sabi nga wearing unbranded and cheap clothes doesn’t make you poor. Yung iba po kasi, beautiful outside pero beauty poor inside. Ganda ang magdadala kapag wala ka ng pera.

“Don’t sacrifice your finances for the sake of having a good image in social media.” Maganda nga ang dating wala namang datung Hindi ako magastos sa damit branded lang ang damit ko kapag bigay ni boyfie okay nako sa mga damit na galing UK (ukay) Pamine-mine lang ako haha mura na maganda na branded pa. Wag kana maselan nasa nagdadala lang yan..haha dun nako sa cheapy pero classy.

7.) PANG-PITO, Nakita ko na si Mr. Right. Hindi kami magastos ng boyfriend ko. Mas okay na samin yung mag food trip sa bahay at manood ng movie. Nakatipid na kami mas may quality time pa. Hindi rin kami mag travel pag mayaman na lang kami hehe madalang din kami magpunta sa mall (ayoko kasi na ineexpose siya sa mga magagandang babae haha) at kahit na galante siya sakin at ako yung babae di ko hinahayaan na sa kanya lahat ang gastos, share lagi kami.

Hindi rin kami bili mo ko nun, bili mo ko niyan. Hindi rin siya materialistic, madalas pinipilit ko na ayaw padin niya. Hanap ka din ng lalaking walang bisyo. Imagine, pag mag-asawa na kayo wala kang sakit sa ulo. Yieee!

8.) PANG WALO, Tipid Living. 2nd year of teaching ko sa public. Isang taon akong nagbabaon ng lunch sa school kung ano ulam sa bahay yun din ang ulam ko, free ang meryenda sa school pag teaching staff kaya less gastos.

Bumili din ako ng school service na E-Bike at nakakatipid ako ng 1,500 a month sa pamasahe. Icharge ko lang ng 8 hours magagamit ko na siya ng 1 & half week tapos 200pesos lang ang approximate na konsumo niya sa kuryente sa loob ng 1 buwan o diba bongga bawi ko na ang pinambili sa laki ng natipid ko.

9.) PANG-SIYAM, Build your savings slowly. It doesn’t demand you much.Meaning, you can always start saving kahit barya barya pa yan. Ipon is ipon.

Wala yan sa liit o laki ng sweldo mo it’s all about your discipline and self-control when it comes to spending. Saving money is not a competition we can all start in a small amount. Mag Set ka ng target amount at target date para sa Ipon Goal mo. Positive at rich mindset lang, wag karin sabi nang sabi na wala ka ng pera baka kasi layuan ka ng grasya at syempre wag kang maging waldas para hindi nga-nga bukas.

10.) PANG-SAMPU, Utang-free. Hindi ako mahilig mangutang at di ako nagpapautang masakit sa ulo pareho. Hindi porke Gov.employee malaki ang sweldo.

Hindi buo ang sweldo ko. Oo may loan ako sa banko (part ko sa pampagawa ng bahay namin) at hindi pa ko fully paid pero ilang buwan nalang Yey!. Hindi ako debt-free pero mas pinili kong mag-ipon. tips Wag kang mangungutang kung ibabayad mo lang sa isa pang utang mo din financial stress lang ang dulot nun.

11.) PANG LABING-ISA, Financial Management System. Kapag hawak mo na ang salary mo ilista mo kung saan ba mapupunta ang mga ito para di ka nagtataka saan ba napunta ang pera mo.

Pag naibigay ko na ang pera sa nanay ko (taga budget sa bahay) bubudgetin ko na din yung sakin. Allotment sa wifi, load, vitamins, savings, allowance etc. Bumili din ako ng money organizer para dun pwede ring DIY money envelope.

12.) PANGLABING-DALAWA, Investment at Extra Source of Income. Yung unang ipon ko ininvest ko sa isang maliit na business,ginamit ko din pang-enroll sa graduate school.

Nagtry na din ako ng e-loading gamit ang Coins.Ph at GCash yung tubo ilalagay ko din sa alkansya, nag offer nadin ako ng print, photocopy,l aminate etc. since may mga resources naman ako, nagtry na din ako mag online selling.

Pati yung 10 at 25 cents na mapupulot at sinusukli sa grocery store ilalagay din namin sa alkansya laki din kaya non pag naipon. Dapat talaga hindi natutulog ang pera dapat may iba kapang source of income bukod sa work mo mas maganda kung ang source ng extra income mo ay match sa expertise mo kung ayaw mong maubusan ng laman ang iyong wallet wag kang tumigil umisip ng iba pang raket at Kapag lumaki ang kita mo, lakihan mo ang ipon mo huwag mong palakihin ang gastos mo.

Dagdag pa ni Mam Cathlyn na ginagawa raw niya ito taon-taon at mahilig talaga siya mag ipon. Kaya naman sana ay makakatulong ang ibinigay na tips na ito ni Mam Cathlyn para sa mga taong gusto rin mag ipon, nagbigay naman ng mga leksyon si Mam Cathlyn sa huling bahagi ng kanyang post.

“Keep on saving dahil daig ng taong masinop ang taong waldas”