“Nakapag-abroad ka lang, kuripot ka na”: Nanay nanumbat matapos hindi masiyahan sa P500 na aginaldo ni kumare

Nakakalungkot isipin na madalas iba ang tingin sa iyo ng kapwa ko tao. Hindi nga naman porket nasa ibang bansa ka, eh mayaman ka na. Hindi din porket ninang o ninong ka, obligado kang magbigay ng mamahaling regalo o malaking halaga ng pera.

Ang pagiging isang OFW may kaakibat ng hirap at sakripisyo upang makapag ipon hindi lang para sa sarili kung hindi para sa sariling pamilya. Samantala ang pagiging ninang naman ay isang pagiging pangalawang magulang.

Ibinahagi ng OFW netizen na si Jin Ae kung paano nagreklamo ang kaniyang kumare sa “maliit” na halaga na ibinigay niya sa kaniyang inaanak.

Hindi nasiyahan ang kaniyang kumare sa ibinigay na halagang P500 ni Jin Ae bilang aginaldo na naging dahilan ng saulian ng kandila at tinanggalan na ng karapatan bilang ninang.

Mababasa sa kanilang usapan na si Jin Ae mismo ang nagsabing mag papadala siya ng pera para sa kaniyang inaanak.

“Papadala ako ng pera para sa Inaanak ko, Madz.”

Imbis na magpasalamat ay tinanong pa kung magkano ang kaniyang ibibigay

“500 lang Madz kasi hinati-hati ko din sa iba ko pang mga inaanak.” sagot ni Jin Ae.

“Ano naman mabibili niyan?” tanong nito.

“Kung 500 lang naman, wag ka nalang magbigay, maawa ka sa limandaan mo,” sagot ng kumare niya.

Inakala ni Jin Ae ay nagbibiro lang ang kumare niya sa mga sinasabi nito dahil ngayon lang din daw niya kasi ito naranasan.

“Hindi ako nagjojoke Mads. ‘Wag mo nalang yan ipadala, ako yung naawa sa 500 mo kung yan lang naman ang kukuhanin ko sa Palawan.” saad ng Nanay ng kanyang inaanak.

“Hindi tumatanggap ang anak ko ng mga maliliit,” dagdag niya.

Labis na pagkagulat ang naramdaman ni Jin Ae

“Hala siya. Ganun ba madz.” Sige hindi ko nalang din ito ipapadala kasi ayaw niyo din naman pala tanggapin.”

“Merry Xmas Madz at sa aking inaanak.” sagot niya.

Dahil dito nagdesisyon ang babae na tanggalin si Jin Ae sa pagiging Ninang ng kaniyang anak.

“Hindi ka na kasama sa mga Ninang niya kasi napaka kuripot mo. Kainin mo yang P500 mo.”

“Nakakakuripot niyong Ninang, dalawa na kayong kuripot.” galit na hirit ng kumare niya.

Paliwanag naman ni Jin Ae na mabuti na nga din ngayon dahil makakapagbigay siya kaysa dati na walang-wala siyang maiabot sa mga inaanak.

“Magbibigay nga ako ng 500, ayaw mo din tanggapin kasi maliit lang. Ano pala gusto mo yung may tatlong zero?.”

Nakakapanibago para kay Jin Ae ang naging asal ng magulang ng inaanak dahil sinabihan pa siyang walang kwentang Ninang.

“Naka pag-abroad lang kayo, naging kuripot na kayo. Wala kayong mga kwentang mga Ninang.”

“Hindi na kayo Ninang ng anak ko.”

Narito ang kaniyang caption:

Ang akala ko magiging Happy, hindi pala. Kahit na maliit na halaga lng yan, ang importante galing yan sa aking puso.

Nang dahil lamang sa 500 pesos, hindi na ako Ninang.

Dati hindi naman ako magbibigay kasi wala naman akong pera. Habang ngayon, imbes na meron ng maibigay, ayaw namang tanggapin dahil maliit lang.

‘Di nalang kaya ako magbibigay, baka iba na naman aking mababasa.

Ang hirap. No to Ninang nalang ako. hahaha

Andami ko ng inaanak tapos wala naman akong anak. Bahala na kayo diyan.

Source: Jin Ae