Simpleng bahay kubo usap-usapan matapos makita ang hitsura ng loob na sobrang elegante

Ang lahat ay posibleng mangarap na magkaroon ng ating sariling tahanan. Ngunit alam naman nating lahat na ang pagkakaroon nito ay sobrang hirap lalo na kung is aka din sa mga ordinaryong Pilipino na sapat lamang ang kinikita.

Mayroong mga taong may mas kakayanan para makabili ng mga ganitong pag mamay-ari at magdesisyon ng disenyong kaniyang ninanais.

Kagaya ng sinasabi ng iba, hindi mo agad pwedeng husgahan ang isang libro base sa kaniyang panlabas na anyo nang hindi man lang nakikita ang nilalaman nito sa loob.

Kagaya na lamang ng isang bahay na ito na nag viral sa social media.

Ang netizen na si John Paul Cortes Lamoste ay nagbahagi ng mga larawan ng kanilang bahay sa kaniyang Facebook account na agad namang umikot sa social media dahil sa nakakamanghang ganda nito sa loob na gumulat sa mga netizens.

Kung titingnan sa labas ng bahay, maaaring masabi mon a wala namang kahit anong espesyal sa loob dahil ito ay gawa lamang sa “sawali”.

Ang bahay ay para lamang ordinaryong tahanan na madalas nating makita sa mga probinsya. Ngunit talaga nga namang magugulat ka pag iyong siniyasat ang loob nito.

Sa ibang larawan ay makikitang pinag isipan at modern ang disenyo nito. ang kanilang lapag ay mayroon magagandang tiles na kulay asul.

Ang kaniyang banyo at ang ibang bahagi ng bahay ay pantay pantay ang liwanag na nag bibigay ng mas komportable at homey vibe dito.

Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang post na ito. tinawag pa nga nila itong “Bahay kubo with a twist”.

Tunay nga na huwag kaliligtaan ang kulturang ating nakasanayan kahit pa moderno na at madaming pagbabago.