Batang lalaki na natutulog sa kalsada habang yakap-yakap ang alagang aso, kinaantigan ng madla!

Dumarami na ang mga batang inaabandona o hindi kaya man ay ipinanganak talagang mahirap kaya walang ibang magawa kung hindi matulog na lamang sa lansangan. Napaka-palad ng mga batang mayroon pamilyang inuuwian at malambot na kamang tinutulugan.

Nakakadurog ng puso ang mga larawang ibinahagi ng netizen na si Jem Villomo sa kaniyang Facebook Account na kung saan makikita ang isang batang yakap yakap ng mahigpit ang kaniyang alagang aso habang natutulog sa tabing daan sa EDSA Shaw Boulevard Starmall ng walang kumot at unan.

Ngunit litrato lang ang nakuha ng netizen na si Jem. Ang bata ay walang pagkakakilanlan kahit man lang pangalan. Hindi din alam ang buong istorya kung bakit sa lansangan lamang siya natutulog at kung mayroon pa din ba siyang pamilya.

Madaming mga nagkumento na nais magbigay ng tulong ngunit walang sapat na impormasyon upang direktang matulungan ang bata. Hiling ng iba na sana ay aksyunan ito ng DSWD upang malagay sa komportableng tutuluyan ang bata. Kung mayroon mang pamilya, nawa ay makita nila.

Sa kabilang banda, madami ding netizens ang nagalit sa magulag ng batang ito na hinayaan ang isang inosenteng batang mamuhay sa daan. Gayun pa man, kitang kita naman sa bata at sa kaniyang kasamang alaga na sapat na sila para sa isa’t isa.

Tunay nga na ang mga alaga natin ay isa na ding pamilya.