Reaksyon ng may-ari ng Lamborghini matapos mabangga ng mag-asawang fish vendor ang sasakyan, hinangaan ng marami!

Madaming tao ang nagsasabing hindi patas ang tadhana at ang buhay. Kahit na anong kayod sa pag tatrabaho ang gawin mo, wala ka pa din maging sapat na pera kahit makabili lamang ng mga simple bagay na binibili ng karaniwang tao.

Sa kabilang banda, may mga taong kahit hindi magtrabaho ng sagad sagaran, mayroon at mayroon silang magagarang gamit at makakakain ng higit pa ng 3 beses sa isang araw,

Sa hindi inaasahan, may mag asawang aksidenteng nabanggang ang isang mamahaling sasakyan na Lamborghini. Ito ay naganap sa Thailand’s Nonthaburi Province. Makikitang ang mag asawang iyon ay tila ba pagtitinda lamang ng isda ang kinakabuhay.

Nang mangyari iyon ay agad kinausap ng lalaki ang may ari ng mamahaling sasakyan. Makikita sa larawan na ang lumang sasakyan ay may mas malaking sira pero mas minabuti nilang aminin na sila ang may kasalanan na aksidenteng nabangga ang Lamborghini.

Alam nating lahat na hindi biro ang presyo ng mga ganitong sasakyan maging ang mga nasirang parte nito. Nagmakaawa ang mag asawa halos maiyak na kung pwede ba nila itong hulugan na lamang.

Isang businessman ang may ari ng mamahaling sasakyan na iyon. Laking gulat ng mag asawa ng marinig ang sagot ng may ari. Wala daw silang dapat bayaran pero nagbigay ito ng isang kundisyon na kung saan kinakailangan nilang mag-donate ng 3000 Thai Baht sa isang templo ng 10 beses.

Sinabi ng businessman na “I do not want to brag that I am rich but the reason is I do not want this couple to compensate me for the damages caused to my car is because I want people to learn to forgive others. My car is very expensive and so what? If this accident was not done deliberately, shouldn’t we forgive others with an open heart?”