Mag-ama na nagtitinda ng ballpen sa kalsada na nag-viral noon, ibang-iba na ang estado ng buhay ngayon

Kapag tayo ay nasa labas ng ating mga tahanan marami tayong nakikita at nakakasalamuha sa daan na ibat-ibang tao nariyan ang mga papasok sa mga trabaho, mga Estudyante na papasok sa eskwelahan, kabilang na rin diyan ang mga taong nakikita natin na nanghihingi ng tulong o kung tawagin ay pulubi sa mga lansangan at ang huli ay ang mga taong nakikita natin sa daan na naglalako ng kung ano-ano mayroong mga gamit, pagkain o kung ano pang pwedeng ibenta at pagkakitaan.

Samantala, Kailan lamang ay mayroong mga larawan na usap-usapan sa social media. Ito ay ang tungkol sa mag-amang pulubi kung saan ay dala-dala ng ama ang kanyang anak at karga-karga habang naglalako ng Ballpen.

Kumurot sa puso ng maraming netizen ang naging sitwasyon ng mag-ama ng malaman ng mga netizen na halos umiiyak na daw ito habang nagtitinda ng mga ballpen. Tila nagmamakaawa sa mga mamimili na bilihin ang kanyang paninda para may maibili ng kanilang pagkaing mag-ama at marahil na rin sila ay nagugutom.

Nakilala ang lalaki na si Abdul Halim-Attar, isang Syrian refugee na naninirahan sa bansang Lebanon. Ngunit sino ang mag-aakala na matapos kumalat ang mga larawan ng mag-ama na naglalako ng kanilang paninda ay dito na pala magsisimula na magbago ang kanilang buhay.

Ayon kay Abdul, Nang kumalat daw ang kanilang larawan ng kanyang anak ay mayroong ksang tao na nagmagandang loob na sila ay tulungan, at ito raw ang naging daan para matupad niya ang pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Tinulungan siya ng IndieGoGo at binigyan ng $191,000 o humigit kumulang 10 milyong piso. Labid na natuwa at nagulat si Abdul ang naturang pera ay buong puso niyang tinanggap.

Samantala, dahil sa pagkakaroon ng processing fee at bank fees ay naging $169,000 na lamang ang kanyang nakuha. Gayunpaman ay labis labis ang pasasalamat ni Abdul dahil napakalaking bagay at halaga na daw ito para sa kanilang pamilya at para mabago ang kanilang Buhay.

Sa tulong na nakuhang pera natupad na ni Abdul na mabigyan ng magandsng bahay na tutuluyan ang kanyang pamilya. Bukod pw nga raw dito ay nagawa rin niyang makapagpundar ng pangarap niyang negosyo na panaderya at ito ng ay kanyang napalago pa.

Ang kanyang mga anak na halos tatlong taon tumigil sa pag-aaral ay muli na rin naipagpatuloy ang kanilang mga pag-aral. Ayon naman sa ibang mga ulat dahil maganda na raw ang buhay ngayon ni Abdul ay naisipan din niyang tumulong sa mga kapwa niya Syrian Refugees kug saan ay kumuha siya ng 16 na katao upang makatulong niya sa kanyang panaderya.

Ang tinapay at shawarma ni Abdul ay talagang tinangkilik ng marami dahil sa lasa nito talagang nagtagumpay ang kanyang panaderya at napalago niya ito ng husto.

Isang patunay si Abdul na kapag ikaw ay mayroong mabuting puso at mababang loob mayroong biyaya na naghihintay sayo, katulad na lamang ni Abdul sa kabila ng kahirapan na naranasan ay may tagumpay na nakalaan.