Natatandaan nyo pa ba ang dating “Kontrabida” na si King Gutierrez? Ito na ang kanyang pinagkakaabalahan sa buhay ngayon

Taong 1980s at 1990s nang sumikat sa bansa ang mga ‘Action Films’ kung saan maraming aktor ang nagsilabasan at mga sumikat sa pagiging bida sa mga pelikula.

Subalit hindi lamang mga bida ang sumikat noong dekada 80’s at 90’s dahil marami ang mga ‘kontrabida’ ang nakilala at tumatak sa isipan ng mga manood dahil narin sa mahusay na pagganap ng mga ito.

Katulad ng kontrabida na si King Gutierrez na ngayon ay bida na sa kanilang komunidad.

Isa ang aktor na si King sa mga kontrabidang nakilala dahil sa pagiging mahusay nitong pagganap sa kanyang mga ginagampanan.

Ang magaling na pag arte. pagdeliver ng mga linya at ekspresyon ng mukha ay totoong nagbibigay ng takot sa mga manonood ng pelikula.

Si Hernando Chico Gutierrez or mas kilalang “King” ay ipinanganak noong 16 Nobyembre 1955. Dahil siya’y nagpakalbo, tinaguriang bilang si King “Abdul” Gutierrez.

Madalas maging kontrabida ni “Da King” Fernando Poe, Jr. sa mga pelikula gaya ng Sierra Madre, Roman Rapido, Isang Bala Ka Lang, Ang Padrino, Kapag Buhay Ang Inutang, Umpisahan Mo… Tatapusin Ko, Sigaw ng Katarungan, Partida, at Iyo ang Tondo, Kanya ang Cavite.

Sa kaalaman ng marami si King ay sumali sa Philippine Army Reserve Command noong 1999 bilang isang master Sergeant.

Nang matapos ang pagiging artista ni King dahil na rin sa paghina ng mga action films sa bansa ay naging aktibo siya sa serbisyo publiko. Ayon sa official website ng Bacoor City, Cavite, ang dating aktor ay naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan bilang Konsehal.

“In 1990, he joined the Philippine Army Reserve Command as Master Sergeant and became active in government service. He worked at the Senate of the Philippines particularly under the Department of Political Affairs. He was designated to become the Deputy Agent of the Videogram Regulatory Board on November 7, 2003,,” ayon sa website ng Bacoor City.

Noong ika-11 ng Agosto taong 2015 ay nabigyan ng parangal si King bilang pinakamahusay na Konsehal sa Calabarzon. Dahil sa kanyang ipinakitang magandang serbisyo sa publiko ay muli siyang nahalal sa pagka-konsehal noong May 9, 2016.