Lalaking nag “Facebook Live” habang natutulog nakakuha ng milyon-milyong views sa loob ng 6 na oras

Kung noon ay mayroon tayong nabalitaan tungkol sa isang Malaysian Vlogger na nagviral matapos makakuha din ng million views sa pagvideo ng kanyang sarili ng halos dalawang oras na wala naman ginagawa. Ngayon naman ay isa nating kababayan na Filipino ang nagviral at nakakuha ng milyong milyon views sa kanyang pag-video habang siya ay natutulog.

Ang Filipino Vlogger na ito ay nakilalang si Marnie Saez mula sa Cavite City, ayon sa kanya hindi niya akalain na sa kanyang simpleng Video Live habang natutulog ay makakakuha siya ng Million views sa halos isang magdamag lamang.

Ang naturang Video Live no Marnie ay may caption na “GOODNIGHT MGA IDLE”. Wala sa isip ni Marnie na aabot daw ng 1.8 Million views ang kanyang simpleng pagtulog, Ngunit kahit sino naman ay hindi aakalain na aabot ng ganoon kataas aabot ang simpleng video ni Marnie.

Samantala, dahil sa naturang video live ni Marnie na siya ay natutulog hindi mawawala ang mga nakakatuwa at mga mapang-asar na komento mula sa kanyang mga viewers.

Ang ilang netizen ay nagkokomento sa video ni Marnie habang natutulog na “maglabas na daw ng mga baraha” na tila tinutukoy ng netizen na parang isang lamay ang pagtulog ni Marnie. May mga netizen naman na nagsasabi na “maglabas na ng kape at biskwit para sa mga bisita” na tila aliw na aliw ang mga viewers.

Pagkatapos daw niyang makita ang kanyang video na nagviral at nalaman niyang umani ito ng million views siya ay masayang masaya siya dahil kahit papaano daw ay mayroong natutuwa sa kanya at nakakaalala. Nagpapasalamat din siya sa mga nanood sa kanya malaking tulong daw ito para kahit papaano ay mawala ang kanyang problema dahil sa mga oras daw na iyon ay sobrang depress siya dahil kahihiwalay lang pala ni Marnie sa kanyang 5 years live-in partner.

Ngunit kung mayroong mga natuwa, siyempre hindi mawawala ang mga haters dahil may mga nagsasabi na nagpapaawa lang daw si Marnie para kumuha ng atensyon at umani ulit ng manood para makakuha ng maraming views.

Pero para sa Filipino Vlogger ay wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng haters, basta para sa kanya itutuloy niya ang kanyang ginagawa basta mayroon siyang taong napapasaya dahil sa pamamagitan daw na iyon siya ay nagiging masaya na din.

Narito sa baba ang kabuuang video live ni Marnie: