Isang Ama, buhat ang 1 taong gulang na anak habang nagtitinda ng taho matapos silang iwan ng kanyang asawa

Mabilis kumalat sa social media ang isang larawan ng taho vendor kung saan dala-dala nito ang kanyang anak sa paglalako na tingin na iba ay nasa isa hanggang dalawang taong gulang palang.

Kinilala ang taho vendor na si Richard Paclibare, maraming netizen ang naantig sa larawan ng mag-ama kaya naman marami ang gustong magbigay ng tulong sa kanila.

Makikita sa larawan na pasan ni Richard ang anak nito habang bitbit ang taho na kanyang paninda.

Ayon sa nakakita na netizen na si Jam Perry Branch na mismong nagbahagi ng mga larawan ng mag-ama sa social media.

Siya raw ay nahabang ng makita ang sitwasyon ng mag-ama, kitang-kita raw kay tatay Richard na nahihirapan subalit tinitiis nito para sa kanyang anak.

Ang naturang kwento ni Tatay Richard at ng kanyang anak ay nakaabot na rin sa Raffy Tulfo ‘Wanted sa Radyo’.

Nang malaman ni Tulfo ang kalagayan ng mag-ama naawa at humanga rin siya sa kabilang banda sa ipinakitang katatagan ni Richard.

Samantala, mas lalong naawa si Raffy Tulfo nang malaman na iniwan pala si Richard at ang kanyang anak ng kanyang misis pagka-panganak nito sa kanilang anak.

Dahil daw sa pangyayari ay walang ibang maaasahan si Richard na mag-ala ng kanyang anak kaya naman sinasama nya na lamang ito sa paglalako araw-araw.

Minabuti ni Tulfo na bigyan ng food cart business si Richard nang sa gayon ay hindi na ito mahirapan sa pagbuhat ng malaking lata ng taho.

At hindi lang yan, bibigyan pa niya ito ng mga grocery items at tulong pinansyal para maibsan ang hirap na dinaranas nito.

Dahil sa ibinigay na tulong kay Richard, mas maayos na niyang mababantayan ang kanyang anak. Samantala, bago pa makaabot sa programa ni Tulfo ang kalagayan ni Tatay Richard ayon kay Jam ay maraming netizen na ang nagpaabot ng tulong para sa mag-ama kaya naman labis ang pasasalamat nito kay Jam at sa mga tumulong sa kanya.

Narito ang naturang video ni Tatay Richard sa programa ni Raffy Tulfo: