Isang Hotel sa Japan na maaaring mag-book sa halagang P60 ngunit ito ay may isang kondisyon

Lahat tayo ay pangarap makapag-abroad o makapunta sa iba’t ibang bansa. Ikaw ba ay nagbabalak mag travel at magbakasyon? Katulad na lamang na magpunta sa ibang bansa tulad ng Japan? Baka naghahanap ka ng matutuluyan sa bansang ito? Kung oo ay baka magustuhan mo ang inaalok ng isang Hotel dito.

Sa bansang Japan sa siyudad ng Fukuoka, mayroon isang Hotel na maaaring mai-book sa murang halaga. Sa halagang 130 yen o halos P60.00 sa pera natin.

Subalit ito ay hindi mura nang walang dahilan, Makapag-book ka sa Hotel na ito sa mababang halaga kapalit ng isang kondisyon.

I-la-live stream nila ang bawat galaw mo. Ibig sabihin lahat ay monitored ng kwarto kaya naman kalimutan mo muna ang privacy mo kung may plano kang pumunta o magcheck-in sa Hotel na ito.

Hindi man pribado ang mga banyo dito dahil shared toilet lamang ang mayroon ang Hotel, makasigurado kang walang camera sa loob ng banyo.

Dahil nasa japan ka, ang style ng kwarto dito ay ibang-iba kumpara sa karaniwang mga Hotel. Matutulog ka sa sahig na may latag malinis at komportable.

Marami na ang nag-nais mag-book dito dahil din sa lakasan ng loob at experience na gusto nilang maranasan sa buhay nila lalo na ang mga kondisyones sa Hotel na ito.

Kaya naman kahit hindi 5-star Hotel ito, para sa ganito ka murang halaga, magandang option na ito na tiyak mong maayos talaga. Walang masyadong maraming gamit sa Hotel, pero kung ikaw ay isang turista naman na laging lalabas para gumala, hindi magiging problema ito sayo.

Narito ang ilang kuha ng larawan sa One Dollar Hotel: