Willie Revillame, ipinakilala sa pubiliko ang kanyang nag-iisang anak na lalaki na si Juamee

Marahil halos lahat sa atin ay kilala ang aktor at host na si Willie Revillame, isa siya sa mga sikat na personalidad sa showbiz dito sa ating bansa.

Bukod sa pagiging host ay isa rin na magaling na aktor si Willie partikular na sa pagpapatawa o comedy. Mas sumikat si Willie dahil sa kanyang TV show na para talaga sa masa dahil ayon sa aktor ay nararamdaman niya ang hirap ng mga kababayan natin dahil siya daw ay nagmula rin sa mahirap na buhay.

Maraming kapareha ang dumating sa buhay ng aktor at host, Ngunit ngayon ay wala pang napabalitang kanyang maging kasama sa habambuhay. Mayroon siyang apat na anak at ang panganay ay nakisali na rin sa showbiz pero ang di alam ng kanyang fans na may unico hijo pala ito.

Ang dalawa pang anak na babae ni Kuya Wil ay nakilala na ng publiko ito ay sina Louise Anne at Marimonte. At kamakailan nga lang ay ipinakilala na ni Kuya Wil ang kanyang bunso at Unico Hijo na si Juan Emmanuel.

Ipinakilala ni Kuya Wil sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa programang Wowowin sa segment na “Tutok To Win” si Juamee ay anak ni Kuya Wil sa dating asawang si Liz Almoro.

Ani ng TV host at ipinakita ang nag-iisang anak na lalaki sa camera, “At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalaki. Si Juamee Revillame.”

Napabalita noon ang pagpapakasal ni Liz at Kuya Wil noong March 2005 na isang civil rite sa Batangas. Subalit taong 2008 ay na-annul ito matapos magsama ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ni Liz si Whammy ngunit pinapayagan naman niyang bisitahin ni Kuya Wil ang kanilang anak sa tuwing siya ay mayroong oras.

Sa ngayon si Liz ay mayroon na ring asawa Sinabi naman ni Willie na siniguro na niyang inihanda na niya lahat ng kailangan ng kaniyang mga anak, lalo na ang mga bagay na kailangan nila sa hinaharap. Nakakabonding din niya ang kanyang mga anak at sinisigurado niyang maging malapit siya sa mga ito.