Alamin: Tunay na dahilan kung bakit biglang nawala ang MOA Globe at biglaan nag-trending

Usap-usapan ngayon sa buong bansa at social media ang pagkawala o pagtangay umano sa iconic globe landmark ng SM Mall of Asia.

Ang SM MOA ay nag labas ng isang public notice sa official Facebook page nito at sinabing nakikipagtulungan na sila sa awtoridad upang ma-imbestigahan ang naturang pangyayari.

“SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident. With our security measures in place, rest assured that SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends,” saad sa SM MOA public notice.

Buong bansa ay pinag-uusapan ang pagkawala ng nasabing globe landmark maging sa ibang platform ng social media hindi lamang sa Facebook ay nagsilabasan ang ilang video kung saan mapapanood ang aktwal na pagkuha ng isang helicopter sa naturang globe.

Ayon sa post ng naturang netizen, “Spot nyo to guys!!! Nakunan ng dashcam ko ngaun lang na tinatangay ‘yung moa globe! Ano ‘yon?”

Ang naturang video ay agad-agad nag viral. Mahigit 250,000 ang nagbigay ng reaksyon at 19,000 ang nag komento at mahigit 100,000 na ang nag share nito.

May ilang mga netizen naman ang nag komento na posible raw ito ay gimik lamang ng SM MOA. Narito sa baba ang ilan sa mga komento

“Naku gantong ganto ang tactic sa mga palabas, kinukuha nila yung atensyon natin sa nawawalang globe.. distraction lang ‘to guys para dito tayo mag-focus at ‘di natin makita ang anomalya na ginagawa nila. Chareng. Paano pala kung terorista ‘to na parang way nila para warningan tayo na kukunin nila ang mundo? Lol MOA pakisabi na agad kung marketing stunt ‘to. Hahahaha Sige pag-isipin ko kayo bago matulog.”

“Grabe ka na talaga 2021!!! Hindi na namin kinakaya mga nangyayare ngayon huhuhu kalurx!”

“Dadalhin nila ‘yan sa pinakamayamang Junk Shop sa buong mundo.

Gayunpaman, sinabi ng CNN Philippines na hindi nawawala ang GM MOA Globe. Ito ay nagtungo umano sa site at nakitang naroroon pa ang iconic landmark pero ito ay napapalibutan ng mataas na scaffolding na natatakpan ng mga plywood.

May isang sign pa na mababasa na “under maintenance”. Ayon pa rin sa CNN Philippines isa raw publicity stunt ang pinag-uusapang “pagkawala” ng naturang globe para sa Netflix film na “Red Notice” na pinagbibidahan nina Dwayne “The Rock” Johnson, Gal Gadot at Ryan Reynold.